NEWS AND UPDATE

Tatlong Bagong Barangay Service Vehicle – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Tatlong Bagong Barangay Service Vehicle – Lucban, Quezon | October 12, 2024

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala at Mayor Tenten Villaverde ang pagkakaloob ng tatlong bagong barangay service vehicle sa bayan ng Lucban ngayong araw, Oktubre 12.

Ang nasabing service vehicles ay natanggap ng Brgy. 2, Brgy. Kalyaat, at Brgy. Igang sa bayan ng Lucban na layong maging instrumento sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga nangangailangan residente ng nasabing mga barangay.

Quezon PIO

𝐓𝐡𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬𝐭𝐨𝐫𝐦 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐍𝐨. 𝟏𝟎 𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟔:𝟎𝟏 𝐀𝐌, 𝟏𝟐 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟒(𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲)

𝐓𝐡𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫𝐬𝐭𝐨𝐫𝐦 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐬𝐨𝐫𝐲 𝐍𝐨. 𝟏𝟎 𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟔:𝟎𝟏 𝐀𝐌, 𝟏𝟐 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟒(𝐒𝐚𝐭𝐮𝐫𝐝𝐚𝐲)

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang inaasahan sa 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Panatilihin ang pagsubaybay sa mga susunod na updates.

Link:

https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid04Dkjxe5WZjENDAJBkc1x778Qg4A24Bc3M1BQPST7nLutHovEF3Nedc5eeoCtrjo5l?rdid=E3AIRg2v4mVGmN9d

Quezon PIO

Blood Collection – Animal Health and Welfare Division | October 2-3, 7-8, 9-11, 2024

Blood Collection – Animal Health and Welfare Division | October 2-3, 7-8, 9-11, 2024

Nagsagawa ng blood collection sa pangunguna ng Animal Health and Welfare Division ng Office of the Provincial Veterinarian sa bayan ng Padre Burgos, General Nakar, at Infanta nitong Oktubre 2-3, 7-8, 9-11, 2024.

May kabuuang 155 ang nabigyan ng serbisyo mula sa 52 na barangay.

Isa sa mga requirements upang makapaglabas ng baboy ang mga naturang bayan ay ang aplikasyon ng Recognition of Active Surveillance on African Swine Fever’ (RAS-ASF) upang maipatupad ng gobyerno na makontrol ang pagkalat ng sakit na African Swine Fever patungo sa National Capital Region at sa iba pang lugar sa Luzon.

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 11, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | October 11, 2024

Isinagawa sa bayan ng Sampaloc nitong araw ng Oktubre 11 ang programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang mga doktor at espesyalistang nagmula pa sa Maynila at ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Bitbit pa rin ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal, umabot sa 3,029 ang naging benepisyaryo ng medical check-up, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa maliit na bukol, ENT, pagbabakuna ng anti-pneumonia, eye check-up at libreng pagpapasalamin para sa lubos na nangangailangan na nito. Gayundin ay may iba’t-ibang laboratory examinations gaya ng X-ray, Ultrasound, ECG, FBS/RBS, CBC, Cholesterol, at Urinalysis.

Sa pamamagitan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO), naabutan ng medical assistance ang mga pasyenteng hindi available ang niresetang gamot at inirekomendang pagpapa-laboratoryo ng doktor.

Quezon PIO

AID to Barangay | October 11, 2024

AID to Barangay | October 11, 2024

Kaalinsabay ng isinagawang Medical Mission ngayong araw, Oktubre 11 sa bayan ng Sampaloc, hatid din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang pamamahagi ng libreng mga gamot at Aid to Barangay.

Natanggap ito ng 14 Barangay sa nasabing bayan, kung saan ang tulong pinansyal ay magagamit pangtugon sa mga kinakailangang serbisyong pangkalusugan sa kanilang Barangay. Habang ang ipinamahaging mga esensyal na gamot ay pantawid tugon naman para sa mga residenteng may iniindang sakit.

Quezon PIO

Medical Mission | October 11, 2024

Medical Mission | October 11, 2024

Mainit na naihatid ng buong Medical Team sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng bayan ng Sampaloc ngayong araw, Oktubre 11.

Narito ang ilang kaganapan sa nasabing Medical Mission.

Quezon PIO

QZN Homecoming – October 13, 2024

QZN Homecoming – October 13, 2024

Dalawang tulog na lang 🥰

Magkita-kita po tayo sa Quezon Convention Center (QCC) sa Sabado, October 12 @ 4pm 🫰

✅ FREE ADMISSION

Quezon PIO