
Filing of Certificates of Candidacy | October 02, 2024
TINGNAN: Naging kaganapan sa Ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura para sa eleksyon 2025 ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 2 sa Quezon Provincial Capitol, Lucena City.
Malugod muling pinangunahan ng Commission on Election (COMELEC) ang nasabing Filing of Certificates of Candidacy na kinakailangang maisumite ng mga kandidatong nagnanais magpahayag ng kanilang intensyon na tumakbo para sa iba’t ibang posisyon sa lokal o pambansang halalan. Gayon din ang mga dokumento at impormasyon maging ang kanilang personal na detalye, plataporma, at iba pang impormasyon na kailangan para sa kanilang kandidatura.
Abangan ang mga susunod na kaganapan at mga opisyal na anunsyo para sa Halalan 2025.
Quezon PIO