NEWS AND UPDATE

Heavy Rainfall Warning No. 1 #NCR_PRSD Issued at: 8:22 PM, 13 September 2024(Friday)

Heavy Rainfall Warning No. 1 #NCR_PRSD Issued at: 8:22 PM, 13 September 2024(Friday)

Weather System: Enhanced Southwest Monsoon (Habagat)

ORANGE WARNING LEVEL: Quezon.

ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is THREATENING.

within the next 3 hours.


Quezon PIO

2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Validation | September 12, 2024

2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Validation | September 12, 2024

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 12 ng Department of Interior and Local Government ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) na naglalayong magbigay ng pinakamataas na parangal sa mga piling lokal na pamahalaan na nagpapakita ng kahusayan sa pamamahala sa lokal na administrasyon sa kanilang nasasakupang bayan.

Tinayang nasa isang daan at tatlumpu (130) ang dumalo sa naturang programa na dinaluhan ng mga kawaning nagmula pa sa iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at mga lokal na ahensya.

Ang ginanap na validation ay naglalayong suriin ang mga lokal na pamahalaan upang matukoy kung pasado sa pamantayan ng kahusayan sa pamamahala at tiyakin ang epektibong serbisyo, pananagutan, at transparency sa mga nasabing Local Government Units (LGUs). Matatandaan noong taong 2022, nakakuha ng Municipal Government Award ang 5 bayan ng Quezon mula sa Mauban, Candelaria, Pagbilao, Panukulan at Sampaloc.

Samantala, ang mga makapapasa ay tatanggap naman ng pagkilala at karagdagang pondo para sa kanilang mga proyekto.

“SOAR HIGH, QUEZON!”, ang masayang pagtatapos na mensahe ng ni Governor Doktora Helen Tan.


Quezon PIO

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐄𝐂𝐀𝐒𝐓 𝐟𝐨𝐫 #𝐍𝐂𝐑_𝐏𝐑𝐒𝐃 𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌, 𝟏𝟑 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟒

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐑𝐄𝐂𝐀𝐒𝐓 𝐟𝐨𝐫 #𝐍𝐂𝐑_𝐏𝐑𝐒𝐃 𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌, 𝟏𝟑 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟒

𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐁𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠: 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐲 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐭𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰

5:00AM – 5:00PM, 13 September 2024

WEATHER: Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat sa bahagi ng lalawigan

WIND: Mahina hanggang sa katamtaman mula sa Kanluran

COASTAL: Mahina hanggang katamtaman na alon są karagatan

TEMPERATURE: 25 – 31C

5:00PM (13 September 2024) – 5:00AM (14 September 2024)

WEATHER: Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat sa bahagi ng lalawigan

WIND: Mahina hanggang sa katamtaman mula sa Kanluran

COASTAL: Mahina hanggang katamtaman na alon są karagatan

TEMPERATURE: 26 – 30C


Quezon PIO

Educational Assistance Payout | September 12, 2024

Educational Assistance Payout | September 12, 2024

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 12 ang Educational Assistance Payout para sa mga mag-aaral ng 2nd District ng lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS). Ang programa ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala, Board Member Yna Liwanag, at Board Member Vinette Alcala sa tulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Sa kabuuan, 2,125 benepisyaryo mula sa bayan ng Dolores, San Antonio, Candelaria, Pagbilao, Tiaong, at Lucena City ang nakatanggap ng PHP 4,000.00. Layunin naman ng nasabing programa na tulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng suporta sa kanilang pag-aaral.

Sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na maabot ng nararapat na serbisyo ang mga Quezonian, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay patuloy na nagsusumikap at tumutugon sa bawat nangangailangan.


Quezon PIO

Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces | September 12, 2024

Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces | September 12, 2024

Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng pagtatalakay sa Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces na ginanap sa St. Jude Coop Hotel and Event Center, Tayabas City.

Tinutukan ngayong araw, Setyembre 12 ang usapin para sa nasabing pagsasanay ang Disaster Risk Reduction and Management and Climate Change Adaptation and Mitigation in Children.

Sa huli, pinangunahan ni Assistant Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Norliza M. Labitigan ang pagbibigay ng Certificate of Appreciation para sa mga Local Goverment Units (LGUs) na nagsidalo sa loob ng tatlong araw na pagsasanay.

Taos-pusong pinasasalamatan naman ang bawat dumalong kawani para sa patuloy na pagbibigay impormasyon na ikabubuti ng bawat kabataan sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Livestock Inspectors’ Meeting | September 12, 2024

Livestock Inspectors’ Meeting | September 12, 2024

Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang ginanap na Livestock Inspectors’ Meeting ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 12 kasama ang 27 Livestock Inspectors mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.
Tinalakay ni OPV Head Dr. Flomella Caguicla ang kasalukuyang lagay ng lalawigan ng Quezon ukol sa African Swine Fever (ASF) gayundin ang Bureau of Animal Industry (BAI) issuances kaugnay sa Guidelines on the movement of Protocols for live pigs for the purposes of slaughter (DA CA No. 6 s2024), Revised Guidelines for granting cash assistance to ASF affected hog raisers (DA AO 10 s. 2024), at Guidelines on the controlled use of vaccine for ASF (DA Admin Circular No. 5, Series of 2024).
Samantala, inanyayahan naman nina Dr. Milcah Valente at Dr. Camille Calaycay ang mga LGU na makiisa sa kanilang mga inihandang aktibidad tulad ng “Sustainable and Climate Resilient Livestock Feeding: Orientation on Silage Making” at ang “World Rabies Day Celebration.”


Quezon PIO

Energy Audit 2024 | September 12, 2024

Energy Audit 2024 | September 12, 2024

Nakapagtamo ng 3-star rating ang Provincial Government of Quezon sa isinagawang Energy Audit 2024 ng Department of Energy (DOE) nitong araw ng Setyembre 12 sa pangunguna ni DOE Senior Research Specialist Ms. Anabel Elmaga.

Layunin nitong matukoy ang mga pamamaraan ng paggamit ng enerhiya gayundin ng pamamaraan para makatipid sa enerhiya at gasolina sa mga sasakyan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Ang ginanap na Energy Audit ay pinangunahan ng Provincial Administrator at Acting Provincial General Services Officer, Manuel M. Butardo na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan mula sa Provincial Governor’s Office, Provincial General Services Office, Provincial Engineering Office at Office of the Provincial Planning and Development Coordinator upang makapagbigay ng kinakailangang impormasyon sa nasabing Energy Audit.

Naka-angkla naman ang Energy Audit na ito sa batas na Energy Efficiency and Conservation Act of 2018 (Republic Act No. 11285), na inaatasan ang Department of Energy (DOE) na magsagawa ng Energy Audit kada tatlong (3) taon sa mga ahensya ng gobyerno.


Quezon PIO

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Centro Pastoral, Lucena City | September 12, 2024

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Centro Pastoral, Lucena City | September 12, 2024

Part 1 | Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Candelaria, Quezon | September 12, 2024

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Candelaria, Quezon | September 12, 2024

Part 1 | Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO