NEWS AND UPDATE

Pagpupugay sa Tagumpay ng mga Quezonian sa Palarong Pambansa 2025 – May 30, 2025

Pagpupugay sa Tagumpay ng mga Quezonian sa Palarong Pambansa 2025 – May 30, 2025

Tunay na kahanga-hanga ang husay at galing ng mga Quezonians!
Isang maalab na pagbati ng tagumpay sa ating mga natatanging kabataang Quezonian na nagbigay karangalan sa ating lalawigan sa Palarong Pambansa 2025.
Sa larangan ng Dancesports Championship, wagi sina Kirsten Marthena Blaire S. Bacher at Gabriel Pangilinan ng dalawang (2) silver medal para sa Grade A Standard (Single Dance Viennese Waltz), at apat (4) na bronze medal para sa Single Dance Waltz, Tango, Foxtrot, at Quickstep. Isang patunay ng kanilang dedikasyon, disiplina, at sining sa bawat galaw.
Hindi rin magpapahuli sa tagumpay si Peter Cyrus Dean, na nag-uwi ng pitong (7) medalya. Tatlo (3) rito ay gintong medalya sa 200-meter backstroke, 100-meter backstroke, at 200-meter individual medley, tatlong (3) silver medals para sa 50-meter backstroke, 4×50-meters medley relay at 4×100 meters medley relay at isang (1) bronze medal sa 400 meter individual medley.
Mula sa buong lalawigan ng Quezon, kami’y buong pusong bumabati sa inyong tagumpay. Ang inyong sipag, galing, at determinasyon ay tunay na karangalan ng bawat Quezonian. Ang inyong ambag sa larangan ng isport ay isang inspirasyon sa atleta ng Quezon.

#PALARONGPAMBANSA2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

AV Fistula Caravan – QPHN-QMC | May 30, 2025

AV Fistula Caravan – QPHN-QMC | May 30, 2025

TINGNAN: Sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa pangunguna ni NKTI Team Leader Dr. Adolfo Perayno, matagumpay na naidaos ang Arteriovenous (AV) Fistula Caravan, ngayong araw ng Biyernes, Mayo 30 sa QPHN- Quezon Medical Center (QMC), Lucena City.
Asahan ang patuloy na pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapunan ang ilang pangangailangang medikal ng mga mamamayang Quezonian.

#AVFistulaCaravan
#SurgicalCaravan2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


QPHN-QMC

Thunderstorm Advisory No. 1 | May 30, 2025.

Thunderstorm Advisory No. 1 | May 30, 2025.

𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟔:𝟏𝟎 𝐀𝐌, 𝟑𝟎 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓(𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲)
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ay inaasahan sa Quezon sa loob ng susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO

No Balance Billing: Malaking Ginhawa para sa Ama ni Avelyn | May 29, 2025

No Balance Billing: Malaking Ginhawa para sa Ama ni Avelyn | May 29, 2025

No Balance Billing: Malaking Ginhawa para sa Ama ni Avelyn
Paalala: Ang post na ito ay may pahintulot mula sa pasyente at kanyang pamilya matapos makuha ang kanilang informed consent.

Watch here: https://www.facebook.com/share/v/1AjHhEG32U/

#QMCHeals
#SerbisyongTunayAtNatural
#STANQuezonBetterTogether


Quezon PIO

Orientation on the Palay Procurement  | May 29, 2025

Orientation on the Palay Procurement | May 29, 2025

“STAN para sa palay: Suporta sa Tanim at Ani Network ng Quezon”

Orientation on the Palay Procurement
Date: May 28, 2025
Venue: Lucban Municipal Hall
The Lucban Municipal Agriculture Office, headed by MA Sonia O. Catchuela, hosted an Orientation on the Palay Procurement Program on May 28, 2025, at the Lucban Municipal Hall. The activity was an initiative of the Provincial Agriculture Office, under the leadership of Ana Clarissa S. Mariano, DVSM, EnP.
The primary participants and beneficiaries of the program were members of the Samahan ng Magsasaka ng Palay sa Lucban, Quezon, a federation comprising rice farmers associations from 22 barangays in the municipality. The activity aimed to inform and prepare local farmers for effective participation in the National Food Authority’s (NFA) procurement programs.
The orientation was facilitated by the Agri Enterprise Development and Marketing Division, led by Division Head Mr. Sherwin Deloraya and Marketing Unit Head Mr. Philip Aldwin Co. The session was conducted by Mr. Fernando Sanque, Assistant Branch Manager of NFA Lucena Quezon, along with NFA staff members and classificator.
To qualify for participation in the NFA’s palay procurement program, farmer associations must meet several compliance and eligibility requirements. They are required to maintain an active bank account to facilitate all financial transactions. Additionally, these associations must be legally registered with either the Securities and Exchange Commission (SEC), the Department of Labor and Employment (DOLE), or the Cooperative Development Authority (CDA). Furthermore, the palay to be sold must be newly harvested and properly dried, free from any pest infestation, and must comply with the 14% moisture content requirement set by the NFA.
Additionally, the orientation featured a discussion on the Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU). This proposed initiative, supported by the presence of Municipal Councilor Hon. Reynante Abuyan, Chair of the Committee on Agriculture, is designed to assist local farmers through enhanced pricing and LGU-facilitated procurement strategies.
The activity concluded with the partial composite sampling of palay from selected members of the federation. The remaining samples are scheduled for delivery to the NFA office on May 30, 2025.
This orientation served as a vital platform to equip Lucban rice farmers with the knowledge and tools necessary to engage effectively with the NFA, thereby supporting local agricultural productivity and sustainability.

#OPAQuezon
#marketlinkage
#opaquezonfitscenter
#QuezonProvince


Quezon PIO

Mamala Uno Farmers Agriculture Cooperative (MUFAC) ng Sariaya, Quezon | May 29, 2025

Mamala Uno Farmers Agriculture Cooperative (MUFAC) ng Sariaya, Quezon | May 29, 2025

Kilalanin ang Mamala Uno Farmers Agriculture Cooperative (MUFAC) ng Sariaya, Quezon—isang samahang binubuo ng 17 masisipag na magsasaka mula sa Barangay Mamala. Sa kabuuang 53.5 ektaryang sakahan, sila ay nagtatanim ng mga gulay tulad ng repolyo, kamote, carrots, at herbs na naibebenta hindi lamang sa Quezon kundi pati na rin sa mga karatig-lalawigan at institutional buyers gaya ng Kita.PH. Pinamumunuan ito ng kanilang Chairman, si Gng. Myrna Trinidad Veleña.
Kabilang sa mga tampok na miyembro si G. Carina Relativo, manager at isang model cooperator na matagumpay sa pagtatanim ng semi-temperate vegetables tulad ng Chinese cabbage, cauliflower, at carrots. Sa taong ito, magsisimula rin ang kooperatiba ng off-season model farm project katuwang ang green seeds company upang mapalawak ang produksyon ng gulay tulad ng broccoli at patatas, na may layuning dagdagan ang kita ng mga kasapi.
Bilang karagdagang inisyatibo, magtatayo rin ang MUFAC ng sariling agricultural supplies store upang makapagbigay ng mas abot-kayang abono, binhi, at kagamitan sa mga lokal na magsasaka.
Lahat ng hakbanging ito ay sumusuporta sa layunin ng Office of the Provincial Agriculturist ng Quezon ang pagpapalakas ng kita at samahan ng mga magsasaka gamit ang makabagong teknolohiya at matatag na samahan.

#OPAQuezon
#vegetableproduction
#opaquezonfitscenter
#QuezonProvince


Quezon PIO

Thunderstorm Advisory No. 35 | May 29, 2025

Thunderstorm Advisory No. 35 | May 29, 2025

𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟏𝟐:𝟓𝟎 𝐏𝐌, 𝟐𝟗 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓(𝐓𝐡𝐮𝐫𝐬𝐝𝐚𝐲)

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ay inaasahan sa 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 sa loob ng susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO

Earthquake Information No.1 | May 29, 2025

Earthquake Information No.1 | May 29, 2025

𝐃𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐢𝐦𝐞: 𝟐𝟗 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 – 𝟎𝟒:𝟎𝟒 𝐀𝐌
Magnitude = 1.7
Depth = 033 km
Location = 13.69°N, 122.03°E – 012 km S 32° W of Pitogo (Quezon)


Quezon PDRRMO

Seminar on Licensing of Animals, Animal Products and By-products Handlers, and Transport Carriers | May 28, 2025

Seminar on Licensing of Animals, Animal Products and By-products Handlers, and Transport Carriers | May 28, 2025

Ang Office of the Provincial Veterinarian sa pamamgitan ng Veterinary Regulatory Division ay nagdaos ng Seminar on Animal Welfare Act and Guidelines for Livestock and Poultry Handlers and Transport Carrier Accreditation na ginanap sa OPV Conference Room, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon nitong ika-27 ng Mayo, 2025.
Layunin ng aktibidad na maging pamilyar ang mga nagsidalong Livestock Handlers at Transport Carrier Operators sa mga hinihinging dokumento ng Bureau of Animal Industry.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Dr. Maria Cecilia P. Martinez, Veterinary Regulatory Division (VRD)-Head. Sina Dr. Camille Calaycay, Veterinarian II, at Bb. Jolina Malaluan, Livestock Inspector I, ang mga naging tagapagsalita at tagapagturo.

#Provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO / ProVet

Meeting of Head Doctors at QPHN-QMC Led by Governor Helen Tan to Improve Medical Services in Quezon | May 28, 2025

Meeting of Head Doctors at QPHN-QMC Led by Governor Helen Tan to Improve Medical Services in Quezon | May 28, 2025

Para sa ikakabubuti ng serbisyong medikal sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Medical Center (QPHN-QMC) at iba pang mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Quezon isinagawa ang pagpupulong ng mga head doctors sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, ngayong araw ng Miyerkules Mayo 28 sa 2nd Floor Provincial Health Office.

‎Tinalakay rito ang pagbibigay at pag-iimplement ng Provincial Health Navigator sa lahat ng departamento sa nasabing ospital upang maiwasan ang paglabas ng kasama ng mga pasyente sa pagkuha ng iba’t ibang kinakailangan sa gamutan. Kasama na rito ang pagkuha ng mga gamot, pag-aasikaso ng laboratory, mga dugo at iba pa.

‎Bukod dito, pinapaigting na rin ang mga blood bank sa nasabing ospital upang makapagdugtong ng buhay sa mga nangangailangan. Makikipag-ugnayan na rin ang Pamahalaang Panlalawigan sa Red Cross at Local Goverment Unit (LGU) para sa mga programang blood donation.

‎Pinag-usapan at kinikilusan na rin ang proseso ng mga laboratory test ng mga Outpatient Department (OPD) at Inpatient Department (IPD) upang mapabilis ang mga resulta ng mga ito.

‎Ang lahat ng ito ay layuning mapabuti, mapaganda at maging mabilis ang serbisyong medikal ng mga pampublikong ospital sa lalawigan ng Quezon para sa ikakagaling ng mga Quezonian.

‎#SerbisyongTunayAtNatural
‎#HEALINGQuezon
‎#QuezonProvince


Quezon PIO