
Orientation para sa Republic Act No. 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 | September 26, 2024
Isinagawa ngayong Setyembre 26 sa Cultural Arts Center (Old Kalilayan), Lucena City, ang orientation para sa Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020. Pinangunahan ito ni Ms. Sonia S. Leyson, Department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Dumalo rito ang tatlompu’t limang (35) empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama si Atty. Monique Allen V. Loria, Atty. III, mula sa Provincial Legal Office bilang tagapagsalita. Tinalakay dito ang layunin ng R.A. No. 11861 na palawakin ang saklaw at dagdagan ang mga benepisyo para sa mga solo na magulang at kanilang pamilya. Ipinaliwanag din ang mga kinakailangang hakbang upang makilala bilang solo parent, mga ipinagbabawal sa mga solo parent na nagtatrabaho sa gobyerno, at ang mga benepisyong maaari nilang matanggap.
Binigyang pansin din ang mga dahilan kung bakit nahihirapang mag-renew ang ibang solo parents at ang mga limitasyon sa edad ng anak para makakuha ng suporta.
Sa pagtatapos ng programa, itinatag ang Provincial Government of Quezon Solo Parents Association (PGQ-SPA) upang mas mapadali ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng Solo Parents Identification Card.
Sa layuning makapagbigay ng serbisyong para sa lahat, matagumpay na natapos ang orientation para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Quezon PIO