NEWS AND UPDATE

Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 | October 10, 2024

Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 | October 10, 2024

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang Post-Evaluation and Assessment of FY 2024 Retooled Community Support Program (RCSP) and Strategic Planning and Identification of Target Beneficiary for FY 2025 Building Sustainable Peace In Quezon Province sa Kamayan sa Palaisdaan Brgy. Dapdap, Tayabas City ngayong araw, Oktubre 10.

Kasabay ng programa pinarangalan din ang mga Local Goverment Units (LGUs) para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang bayan. Ang mga LGUs na nakatanggap ng parangal ay ang mga sumusunod; General Nacar, Mauban, Real , Atimonan, Calauag, Candelaria, Tagkawan, General Luna, Mulanay, San Andres, at San Francisco.

Taos-puso ang pasasalamat ng gobernadora sa mga LGUs na nagpapanatili ng kapayapaan ng kani-kanilang bayan. Inaasahan din ang patuloy na pakikipagbalikatan ng bawat LGUs para sa patuloy na serbisyo para sa mga Quezonians.


Quezon PIO

Pagpupulong at Pagaamenda ng Batas na Amnesty na Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan | October 10, 2024

Pagpupulong at Pagaamenda ng Batas na Amnesty na Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan | October 10, 2024

Dinaluhan ng Quezon Amnesty Board ang pagpupulong at pagaamenda ng Batas na Amnesty na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, ngayong araw ng Oktubre 10.

Ang AMNESTY ay isang pormal na pagpapatawad na ibinibigay ng isang gobyerno sa mga indibidwal o grupo, karaniwang para sa mga pampulitikang paglabag, na nagpapahintulot sa kanila na makaiwas sa pag-uusig o parusa. Madalas itong layunin na magtaguyod ng pagkakasunduan at kapayapaan, lalo na pagkatapos ng mga salungatan o kaguluhan sa politika.

Kasama ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, layunin ng nasabing pagpupulong ang palawigin sa Lalawigan ng Quezon ang Amnesty upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay ang Quezonians.


Quezon PIO

World Mental Health Day 2024

World Mental Health Day 2024

Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang mamamayang Quezonian ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng World Mental Health Day 2024 na may temang “Workplace Mental Health”.

Mahalaga ang pagkakaroon ng suporta mula sa pamilya, kaibigan, at komunidad. Maglaan tayo ng oras para sa ating sarili, magsanay ng self-care, at ipakita ang empatiya sa mga taong dumaranas ng iba’t-ibang hamon sa buhay.

Sa araw na ito, sama-sama nating itaas ang ating mga tinig para sa kalusugang pang-kaisipan. Ang pagkakaroon ng mas malusog na kaisipan ay daan tungo sa mas masaya at payapang pamumuhay!”


Quezon PIO

High-Value Crops Development Program | October 09, 2024

High-Value Crops Development Program | October 09, 2024

Matagumpay na dinaluhan ng 130 na magsasaka ang aktibidad ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon sa ilalim ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano ngayong Miyerkules, ika-9 ng Oktubre, sa OPA, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.

Namahagi Ng 700 bags ng fertilizers at 300 bote ng insecticides, pesticides, at fungicides, na nakatuon sa pagpapabuti ng cacao, mangga, kape, gulay, pineapple, at saging. Ito ay gagamitin sa clustered projects, model farm, rejuvenation, at malakihang produksyon ng gulay.

Sa patuloy na pagtataguyod ng H.E.A.L.I.N.G agenda ni Governor Doktora Helen, ito ay nagsilbing suporta sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang produksyon at maitaguyod ang mas matatag na sektor ng agrikultura.


Quezon PIO

37th Anniversary: Stakeholder’s Recognition | October 09, 2024

37th Anniversary: Stakeholder’s Recognition | October 09, 2024

TINGNAN: Nagdiwang ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) ng kanilang 37th Anniversary:Stakeholder’s Recognition sa Seda Manila Bay, Paranaque City, ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 9.

Kasabay nito, inanunsyo ng BLGF ang mga Nangungunang Lalawigan, Lungsod, at Bayan sa Pagsusulong ng Pananalapi ng Lokal na Pamahalaan para sa mga Taong 2022 at 2023, na kinikilala ang kanilang natatanging pamamahala sa pananalapi, mga inisyatiba para sa napapanatiling paglago, at epektibong pagkolekta ng kita at mobilisasyon ng mga yaman.

Dahil dito, Matagumpay na tinanggap ng ating butihing Governor Doktora Helen Tan at Provincial Treasurer Marilou Uy ang mga parangal bilang Rank 1 Year-on-Year Growth in Local Source Revenues FY 2022, Rank 4 Local Source Revenues in nominal terms FY 2022, Rank 5 Local Source Revenues in nominal terms FY 2023, Rank 6 Ratio of Local Source Revenues to total current operating income (27.39%) FY 2022 at Rank 6 Ration of Local Source Revenues to total current operating income (32.33%) FY 2023.

Samantala, Taos-puso naman ang pasasalamat ng gobernadora sa mga natanggap na parangal ng Lalawigan ng Quezon sa nasabing programa. Asahan din ang mas lalong pagpapahusay ng serbisyo para sa mamamayang QUEZONIANS.


Quezon PIO

QZN Homecoming

QZN Homecoming

FREE ADMISSION? TARA NA 😱

Ilang araw na lang ang pinaka unang home game ng Tangerines. #ParaSaQzn

📍Quezon Convention Center (Lucena City)


Quezon Tangerine

Inauguration of Advanced Comprehensive Cancer Care Center | October 08, 2024

Inauguration of Advanced Comprehensive Cancer Care Center | October 08, 2024

TINGNAN: Malugod na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang isinagawang “Inauguration of Advanced Comprehensive Cancer Care Center” na ginanap ngayong araw ng Martes, Oktubre 8 sa East Avenue Medical Center, Quezon City.

Pangunahing misyon ng nasabing programa na magbigay ng komprehensibong serbisyo, mahusay at dekalidad na medikal para sa pangangalaga at paggamot sa lahat ng pasyenteng tutungo sa nasabing ospital.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at mga eksperto sa larangan ng pangkalusugan ay inaasahan ang patuloy na pagbibigay ng taos-pusong suporta at pagpapagamot sa mga pasyenteng Pilipino na apektado ng sakit na kanser.

Ang naturang East Avenue Medical Center (EAMC) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Health (DOH) ay magbibigay ng mga serbisyong pang-medikal sa Radiation Oncology na kinabibilangan ng CT Simulation, External Beam Radiation Therapy, at Brachytherapy.

Ang Medical Oncology naman ay nag-aalok ng mga serbisyo tulad ng Chemotherapy, Immunotherapy, at Targeted Therapy. Habang ang Nuclear Medicine ay nakatuon sa mga pamamaraan tulad ng Radioimmunoassay, Myocardial Perfusion Imaging, Bone Densitometry, Bone Scans, Parathyroid scan, Sentinel node scan, Gamma Probe, Thyroid Scans, Renal Scans, at PET/CT.

Samantala, ang Breast Care Center ay magbibigay ng Mammograms, Breast Ultrasounds, Stereotactic Biopsies, at Minor Surgery.


Quezon PIO

Estrus Synchronization/Artificial Insemination | October 7-8, 2024

Estrus Synchronization/Artificial Insemination | October 7-8, 2024

Pinangunahan ng Livestock and Poultry Development Division ng Office of the Provincial Veterinarian katuwang ang PCC-UPLB, NDA- South Luzon, DA-BAI at LGU-Mauban ang idaos na Estrus Synchronization/Artificial Insemination at iba pang serbisyong medikal sa Mauban, Quezon nitong Oktubre 7-8, 2024.

May kabuuang 9 na barangay ang nabigyan ng 60 na kalabaw at 58 para sa mga kalalawigan ng serbisyo.


Quezon PIO