
183th Death Anniversary Commemoration of Hermano Puli | November 04, 2024
Bilang pagkilala sa kabayanihan ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang “Hermano Puli” ginanap ang ika-183 na anibersaryo ng kanyang kamatayan ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 4 sa Isabang, Tayabas City.
Maulan man ang panahon, hindi nag atubiling dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Tayabas City Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, mga Punong Tanggapan sa pangunguna ni P.A Manny Butardo, mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kabalikat ang Philippine National Police para sa pag-alala ng kontribusyon at sakripisyo ni Hermano Puli.
“God is really Good”, mensahe ng gobernadora. Dagdag pa nito, tayong lahat ang tumatamasa ng iniwang kapayapaan ni Hemarno Puli, kung kaya’t bilang Quezonian marapat na sama-sama nating pagyamanin at pagyabungin ang yaman na mayroon ang Lalawigan ng Quezon.
Kasama ring pinag-usapan ang paghahangad na maisakatuparan sa kongreso na ang ika-4 ng Nobyembre ay maging ganap na Holiday sa buong Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO