2025 INTERNATIONAL DAY OF SPORT FOR DEVELOPMENT AND PEACE | April 6, 2025
Ang isport ay hindi lamang isang paligsahan o kompetisyon, ito ay isang plataporma para sa inklusibong lipunan kung saan bawat isa ay may kalayaang makiisa ano man ang edad, kasarian, lahi, relihiyon, kultura, at estado sa buhay.
Ipinagdiriwang ngayong araw ng Linggo, Abril 06, ang 2025 INTERNATIONAL DAY OF SPORT FOR DEVELOPMENT AND PEACE na may temang “Leveling the Playing Field: Sport for Social Inclusion”, kung saan kinikilala ang mahalagang papel na ginagampanan ng isport sa paghubog ng isang maunlad at payapang komunidad para sa lahat.
Sa tema ng pagdiriwang na ito binibigyang-tuon ang “Social Inclusion”, layunin nito na tuldukan at labanan ang hindi pantay na pagtingin sa mga marginalisadong grupo at magbigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng uri ng mamamayan pagdating sa larangan ng isport.
Kaya’t mga kalalawigan, ating ipagdiwang ang kontribusyon ng lahat ng uri ng isport sa labas man o loob ng bansa. Gayundin, ating isabuhay na ang tunay na tagumpay sa bawat laro o laban ay hindi masusukat sa dami ng medalya at sertipiko, kundi sa pagkakaisa na nabuo sa isang inklusibong lipunan kung saan lahat ay may pagkakataong makilahok at magtagumpay.
#2025InternationalDayofSportforDevelopmentandPeace
#LevelingthePlayingFieldSportforSocialInclusion
#QuezonProvince
Quezon PIO