
Congratulations! Ma. Ahtisa Manalo, Miss Universe Philippines 2025
Mabuhay at isang mainit na pagbati kay Ahtisa Manalo!
Mula sa Lalawigan ng Quezon, si Ahtisa ang napiling bagong Miss Universe Philippines 2025 matapos magtagumpay laban sa 65 kandidata sa ginanap na grand finals sa Mall of Asia Arena nitong Mayo 2.
Ngayon, siya ang magdadala ng bandera ng Pilipinas sa ika-74 na Miss Universe pageant sa Thailand sa darating na Nobyembre.
Isang karangalan para sa bayan at Lalawigan ng Quezon—Congrats, Ahtisa! Kami’y buong pusong sumusuporta!