NEWS AND UPDATE

24th Gawad KALASAG

24th Gawad KALASAG

Pagpupugay para sa kahusayan ng Lalawigan ng Quezon!🎉

Sa ginanap na 24th Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan), kinilala ang LALAWIGAN NG QUEZON bilang Beyond Compliant na nagpapatunay ng epektibong paghahatid ng programa ukol sa disaster risk reduction and management.

Kabilang din sa kinilalang Beyond Compliant Local Government Unit ang bayan ng Calauag, General Nakar, Infanta, Mauban, Pagbilao, at Lucena City.

Samantala, ang bayan naman ng Buenavista, Candelaria, Dolores, General Luna, Gumaca, Lucban, Mulanay, Padre Burgos, Perez, Pitogo, Real, Sampaloc, San Antonio, at Sariaya ay kinilala bilang Fully Compliant Local Government Units sa nasabing parangal.

Asahan ang patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan katuwang si PDRRMO Head Dr. Melchor Avenilla Jr. na gawing disaster-ready at resilient ang lalawigan Quezon para sa kaligtasan ng bawat mamamayan nito.


Quezon PIO

JOB OPENINGS

JOB OPENINGS

Ang lahat ng interesadong aplikante ay maaaring magtungo sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd flr | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Magdala ng RESUME, ID at panulat (ballpen).

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Quezon Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe dito sa aming Facebook page.

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02MvoCai3PeZ3cAgdedmkYKNkApwJx6JTWN4yNoT51bPrwr1c142TbQ9FYmJhWScp8l?rdid=XaKs4jsEtjzpHh78#


Quezon PIO

4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board Meeting | December 06, 2024

4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board Meeting | December 06, 2024

Matagumpay na isinagawa ang Ika-4 na Kwarter na Pulong ng Provincial Solid Waste Management Board sa pangunguna ni EnP John Francis L. Luzano, MPA PGDH-ENRO. Tinalakay ang mga update tungkol sa Solid Waste Management at ang Sampung (10) Taong Solid Waste Management Plans ng Lalawigan ng Quezon, pati na rin ang SWM Technology proposal mula sa ASHER.

Dumalo ang mga Kasapi ng PSWMB Committee – PG-ENRO, MENROs/City ENROs, DENR-EMB PEMU Quezon, DILG Quezon, at IPHO quorum.”


Quezon PIO

VELFRAM JOB OPENINGS

VELFRAM JOB OPENINGS

Para sa mga nagnanais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City.

Huwag kalimutang magdala ng:

RESUME, ID, at Ballpen.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan lamang po ng mensahe sa Quezon Provincial PESO Facebook page.

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02Ah8tUGnHWeeN7Lhop4fdD3de7YJgCMgCB8q3XMSUU2pgC89uT8Mf42tMcbA1rwqsl?rdid=w6QtHOOQJnc75dVl


Quezon PIO

4th Joint Quarterly Meeting of the Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) and Quezon Provincial Federation of Senior Citizens Association (QPFSCA) | December 02, 2024

4th Joint Quarterly Meeting of the Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) and Quezon Provincial Federation of Senior Citizens Association (QPFSCA) | December 02, 2024

Isinagawa ang 4th Joint Quarterly Meeting of the Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Quezon Provincial Federation of Senior Citizens Association (QPFSCA) ngayong araw ng Lunes, Disyembre 02 sa Villa Adelaida Landing, Lucena City.

Sa pangunguna ni PSWDO Focal Person of Older Person Maria Theresa “Mitos” Dionido kasamang dumalo sa hanay ng katandaan ang mga pangulo at opisyales na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.

Ibinahagi sa nasabing pagpupulong ang ilang updates sa mga programang patuloy na nagpapalakas ng sektor ng mga nakatatanda tulad ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nonagenarian at centenarian.

Tinitiyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na naihahatid ang maayos na serbisyo para sa mas mabuti nilang kapakanan.


Quezon PIO

Paglulunsad ng Proyektong Inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development | December 02, 2024

Paglulunsad ng Proyektong Inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development | December 02, 2024

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson ang ginanap na paglulunsad ng proyektong inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Disyembre 2 sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ang inilunsad na proyekto ng DSWD ay naglalayong palakasin ang food security sa panahon ng kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng Ready-To-Eat Food (RTEF) packs na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng delata, rice porridge, at protein bar.

Bukod sa nasabing paglulunsad ay isinagawa rin ang National Convention para sa Project LAWA (Local Adaption to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Improverished), isang cash-for-training and work program na layong makatulong at mapalakas ang kakayahan ng mga Pilipino na muling makabangon laban sa sakuna gaya ng El Niño at climate change.

Samantala, kabilang naman sa mga benepisyaryo ng naturang mga proyekto ang lalawigan ng Quezon kung kaya’t aktibong nakiisa ang Gobernadora para sa mas progresibong pamumuhay ng bawat mamamayan sa lalawigan.


Quezon PIO

Ika-125 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | December 02, 2024

Ika-125 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | December 02, 2024

Isinagawa ngayong Lunes, Disyembre 2 ang ika-125 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan, sa Bulwagang Kalilayan Hall sa pangunguna ni 2nd District Board Member Vinnette E. Alcala-Naca bilang kinatawan ni Vice Governor Third Alcala.

Tinalakay dito ang mga Panukala, Ordinansa na mga inaprubahan, Resolusyon, Atas tagapag-paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, pinagtibay naman ang panukala sa resolusyon na nagpapahintulot sa Pamahalaang Panlalawigan na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA), na may layuning magbigay ng karagdagang pinansiyal na suporta sa kaakibat na Sinag Kalinga Foundation at Sr. Teresa of Sto. Niño Center, Inc., sa tinatayang halaga na PHP 250,000.00 para sa operasyon at maintenance ng Home for the Aged at ang nasabing center.

Asahan ang walang patid na pagseserbisyo ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapabuti ng Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO