NEWS AND UPDATE

Veterinary Medical Mission | October 18, 2024

Veterinary Medical Mission | October 18, 2024

Inimbitahan ang Office of the Provincial Veterinarian na magsagawa ng libreng veterinary medical mission sa Barangay 4 Covered Court, Lucena City kasama ang Rotary Club of Lucena North para sa Rotary Year 2024-2025 sa pangunguna ng kanilang Magical President na si G. Kiefer V. Ramirez.

Ang ating tanggapan ay nagbigay ng libreng pagbabakuna laban sa rabies, pagpupurga, konsultasyon at pagbibigay ng bitamina para sa kanilang mga alagang aso at pusa. Ang aktibidad na ito ay naglalayon na bigyang kamalayan ang komunidad at palakasin ang pagpapatupad ng programa na sugpuin ang sakit na rabies sa ating bansa.

Kabuuang bilang ng hayop na mabakunahan: 122

🐶: 92

😺: 30

Kabuuang bilang ng mga tao: 79

👨: 36

👩: 43

Pagbibigay ng iba pang serbisyong pambeterinaryo (hal. pagpupurga, konsultasyon, pagbibigay ng bitamina)

Kabuuang bilang ng mga hayop: 271

🐶: 218

😺: 53


Quezon PIO

Scubasurero Coastal-Clean Up Drive | October 18, 2024

Scubasurero Coastal-Clean Up Drive | October 18, 2024

Nakibahagi ang Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PGENRO) Administrative Division staffs sa isinagawang Scubasurero Coastal Clean-Up Day ngayong araw Oktubre 18, 2024 sa Brgy. Campo Padre Burgos, Quezon. Katuwang ang ibat ibat kawani na nakibahagi: LGU Representatives, QPPO, BFP, MENRO, PCG, Barangay Officials, Residents, Fisherfolks. Naglalayon ito na matulungan, mapalawig at mabigyan ng kaalaman ang ating mga kalalawigan na maging mapagmasid at magbigay pagmamahal sa pangangalaga ng ating kapaligiran.


Quezon PIO

Quezon Coop Month 2024 | October 17, 2024

Quezon Coop Month 2024 | October 17, 2024

Ipinagdiriwang ng Lalawigan ng Quezon ang Annual Cooperative Month na idineklara sa ilalim ng Republic Act No. 11502 na may temang “Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow” sa Quezon Convention Center, Lucena City ngayong araw ng Oktubre 17.

Layunin nito na maimulat ang mga kaisipan ng ating mga kababayan lalo’t higit ang ating mga kabataan ukol sa kahalagahan ng pagiging miyembro ng kooperatiba at ang mga nagiging ambag nito sa ekonomiya ng Lalawigan ng Quezon.

Bilang pakikiisa at pagpapakita ng suporta sa 596 Cooperative sa Lalawigan ng Quezon, dinaluhan ang nasabing programa ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kasama ring ipinakilala ang pinakabagong produkto ng Rural Improvement Club ng bayan ng Mauban ang pamatid-uhaw na Calamasi Juice “Quench”, na Food and Drug Administration (FDA) approved rin.

Ipinabatid din ni Governor Tan ang taos-pusong pasasalamat sa mga kooperatiba na walang sawang tumutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.


Quezon PIO

Lucena City Association of Private Schools (LCAPS) Teachers’ Day | October 17, 2024

Lucena City Association of Private Schools (LCAPS) Teachers’ Day | October 17, 2024

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Oktubre 17 ang Lucena City Association of Private Schools (LCAPS) Teacher’s Day sa Sacred Heart College, Lucena City.

Tinatayang may 40 na pribadong paaralan at mahigit 1000 guro ang dumalo na nagmula sa Lucena City ang nakilahok sa nasabing selebrasyon.

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing programa at ayon sa kanyang mensahe, bukas-palad ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga guro na nangangailangan ng atensyong medikal gaya ng gamot. Ganyundin sa mga may nais ng Scholarship program para sa kani-kanilang Masteral.

Isang pagpupugay at pasasalamat naman ang ipinaaabot para sa mga kaguruan na walang sawang nagbibigay ng kaalaman para sa mga kabataan ng Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

QPHN Candelaria 4th Founding Anniversary Celebration | October 17, 2024

QPHN Candelaria 4th Founding Anniversary Celebration | October 17, 2024

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, ipinagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng Quezon Provincial Hospital Network (QPHN)-Candelaria at kasabay nito’y pormal ding binasbasan ang Out-Patient Department (OPD) Complex and Adjacent Offices sa nasabing ospital ngayong araw, Oktubre 17.

Para sa mas dekalidad na serbisyo ay ipinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga bagong pasilidad sa nasabing ospital upang mapakinabangan ng mga health workers at mga mamamayan ng Candelaria.

Asahan din ang mas malawakan pang pagpapaayos at pagpapalawak ng QPHN-Candelaria sa mga susunod pang taon para sa mas malawak pang akomodasyon ng mga mamamayan nito.

Sa huli, taos-puso ang pasasalamat ni Governor Tan sa mga health workers at nag-abiso na magkaroon ng pagmamahal at pagpapahalaga sa sinumpaang serbisyo para sa mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Earthquake Information No.1 Date and Time: 17 October 2024 – 08:54 AM

Earthquake Information No.1 Date and Time: 17 October 2024 – 08:54 AM

Magnitude = 2.3

Depth = 011 km

Location = 14.98°N, 122.65°E – 047 km N 48° E of Jomalig (Quezon)

No significant effect monitored

Source: https://earthquake.phivolcs.dost.gov.ph/…/2024_1017…


Quezon PIO

Job Openings – Revenue Officer (Assessment)

Job Openings – Revenue Officer (Assessment)

Position: Revenue Officer I (Assessment)

Requirements:

🔸One (1) Liham Aplikasyon na naka-address sa OIC-Regional Director Atty. Dante E. Tan, Attention: Fe Dencidita L. Joshue, OIC- Chief, Administrative and Human Resource Management Division, kalakip din sa liham ang posisyon na ina-applyan at ang napiling place/s of assignment.

Place/s of assignment, isaad ang alinmang tatlo (3) sa mga sumusunod:

✅RR9B Regional Office

✅RDO55- San Pablo City

✅RDO56- Calamba City

✅RDO57- Biñan City

✅RDO60-Lucena City

✅RDO61- Gumaca, Quezon

✅RDO62-Boac, Marinduque

🔸One (1) original copy ng nasagutang notarized na Personal Data Sheet [CSC Form No. 212, Revised 2017], sulat-kamay o computerized.

Four (4) photocopies ng dokumentong nabanggit.

https://csc.gov.ph/…/223-csc-form-212-revised-2017…

🔸Isang kopya ng Certified True Copy (CTC) ng Transcript of Record (TOR).

Four (4) copies (non-color) ng dokumentong nabanggit.

🔸One (1) copy ng Certified True Copy ng Diploma

🔸Two (2) Authenticated copies ng Certified True Copy ng angkop na Certificate of Eligibility.

Four (4) copies (non-color) ng dokumentong nabanggit.

🔸Five (5) copies ng valid PRC ID (para sa mga CPA) / Bar ID.

🔸One (1) original copy ng Statement of Relatives.

Four (4) copies ng dokumentong nabanggit.

🔸One (1) original copy ng Reference Release Waiver.

Four (4) copies ng dokumentong nabanggit.

MGA KARAGDAGANG REQUIREMENTS:

🔹Isang orihinal na kopya ng Work Experience Sheet (para sa mga nais mag-apply sa mga posisyong Administrative Assistant at Electrical Engineer.

Four (4) copies ng dokumentong nabanggit (para sa mga nais mag-apply sa mga posisyong Administrative Assistant at Electrical Engineer)

🔹Five (5) copies ng pagpapatunay ng mga dinaluhang pagsasanay (trainings) na may kabuuang hindi bababa sa apat (4) na oras at natamo lagpas sa academic term (para sa mga nais mag-apply sa mga posisyong Administrative Assistant, Electrical Engineer at Legal Assistant)

Para sa mga nais mag-apply, maaaring personal na magpasa ng requirements o ipadala sa pamamagitan ng courier kay:

Loida B. Obnial / Mary Ann M. Lanto

Recruitment Officer

Human Resource Management Section

Bureau of Internal Revenue, Revenue Region No. 9B- LaQueMar

Maharlika Highway, Brgy. San Nicolas, 4000 San Pablo City


Quezon PIO

National Indigenous Peoples Month

National Indigenous Peoples Month

Nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa ilalim ni Governor Doktora Helen Tan, sa pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Month ngayong Oktubre, 2024.

Mga Quezonian, sama- sama nating kilalanin at pahalagahan ang mga katutubo na nagbigay-daan sa pagyabong ng ating kultura at mga natatanging yaman.


Quezon PIO