
Flag Raising Ceremony Hosted by Quality Management System-Internal Quality Audit | October 28, 2024
Sa panibagong pagpasok ng linggo upang maglingkod sa Lalawigan ng Quezon, masiglang pinasimulan ng Quality Management System-Internal Quality Audit sa pamumuno ni Provincial Internal Audit Service Office Alberto S. Bay, Jr. ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Oktubre 28 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Nagbahagi ang tanggapan ng Accomplishment Report gaya ng Bilang ng departamentong na audit na nakaangkla sa HEALING Agenda ni Governor Doktora Helen Tan.
Kaalinsabay ng seremonya, nagbigay ang nasabing tanggapan ng gabay para sa pagpapaigting at pag-iimplementa ng mga kinakailangan sa International Organization for Standardization (ISO) certification at dekalidad na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Samantala, sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan pinasalamatan nina Vice Governor Third Alcala at PGENRO Head and Executive Assistant John Francis Luzano ang mga departamentong nakiisa para sa Internal Audit na isinagawa nitong mga nakaraang linggo ng Oktubre.
Sa Huli, ang tagubilin at gabay ni Governor Doktota Helen Tan na magtrabaho ng “May Ngiti sa Labi”.
Quezon PIO