KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo | October 15, 2024
Sa ika-sampung pagkakataon sa taong 2024, muling isinagawa ang KADIWA ng Pangulo sa Kapitolyo ngayong araw ng Martes, Oktubre 15 sa Quezon Capitol Compound, Lucena City.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang buwanang aktibidad katuwang ang Department of Trade and Industry Quezon Provincial Office at ng iba’t ibang mga ahensya bilang pakikiisa sa paghahangad ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mailapit ang mga magsasaka at maliliit na negosyante sa mga konsyumer sa pamamagitan ng mga lokal at abot-kayang produkto gaya ng sariwang prutas, sariwang gulay, mga kakanin at mga natatanging produktong Quezonian.
Samantala, bukod naman sa mga produktong nagmula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Quezon ay muling nakiisa ang representante mula sa Lalawigan ng Batangas at Laguna sa kanilang produktong Farming Cooperative Carabao Milk na mayroong iba’t-ibang flavors.
Abangan ang muling pagsasagawa ng proyektong inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga sumusunod na petsa:
November 15, 2024 (Friday)
December 13, 2024 (Friday)
HALINA’T TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN, TARA NA SA QUEZON!
Quezon PIO