
TROPICAL CYCLONE BULLETIN NR. 5 Malakas na Bagyong “NIKA” (TORAJI) 11:00 AM, 10 Nobyembre 2024
“NIKA” NANANATILI ANG LAKAS HABANG TUMATAHAK PAKANLURAN SA KARAGATANG PILIPINAS SILANGAN NG QUEZON
LOKASYON NG SENTRO (10:00 AM)
Ang sentro ng Malakas na Bagyong “NIKA” ay tinatayang nasa layong 500 km Silangan ng Infanta, Quezon
INTENSIDAD
May pinakamalakas na hangin na 100 km/h malapit sa sentro, bugso ng hangin na aabot sa 125 km/h
KASALUKUYANG KILOS
Kumikilos pakanluran sa bilis na 30 km/h.
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL (TCWS) NR 1
Unang Distrito:
Pagbilao, Infanta, Sampaloc, Mauban, Real, General Nakar, Lucban, Lungsod ng Tayabas, Burdeos, Jomalig, Polillo, Patnanungan, Panukulan
Ikalawang Distrito:
Lungsod ng Lucena
Ikatlong Distrito:
Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Catanauan, Mulanay, Unisan, Padre Burgos, Macalelon, General Luna, Agdangan, San Narciso
Ikaapat na Distrito:
Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Lopez, Plaridel, Quezon, Alabat, Gumaca, Atimonan, Perez
Ang pag-ulan sa Quezon ay tinatayang mula Katamtaman hanggang Mabigat (50 – 100 mm). Posibleng localized flooding sa mga lugar na urbanisado, mababa, o malapit sa mga ilog.
Posibleng landslide sa mga lugar na mataas ang ganitong panganib.
Minimal hanggang menor na epekto mula sa malalakas na hangin ay maaaring maranasan.
PAGBAHA SA BAYBAYIN:
Moderate hanggang mataas na panganib ng storm surge sa susunod na 48 oras sa mga baybaying mababa o lantad, kabilang ang Polillo Islands.
Inaasahang kikilos ang “NIKA” pakanlurang hilagang-kanluran sa buong panahon ng pagtaya.
-Posible itong mag-landfall sa Isabela o Aurora bukas ng umaga o maagang hapon.
Mahalagang tandaan na ang mga panganib ay maaari ring maranasan sa mga lugar sa labas ng punto ng landfall o nasa loob ng forecast confidence cone.
Tatawid ang bagyo sa kalupaan ng pangunahing Northern Luzon at lalabas sa West Philippine Sea bukas ng gabi.
Quezon PIO