NEWS AND UPDATE

JOB OPENINGS

JOB OPENINGS

– Station Cashier (Female)

– Pump Attendant (Male)

– Select Store Crew (Preferably Male)

Para sa mga nagnanais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City.

Huwag kalimutang magdala ng:

RESUME, ID, at Ballpen.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe dito sa aming Facebook page.


Quezon PIO

MGM 2024: The Role of Museums in Safeguarding Cultural Heritage

MGM 2024: The Role of Museums in Safeguarding Cultural Heritage

Heads up, MGM 2024 attendees!

Our lecture/seminar for Museums & Galleries Month 2024 will be held at the ๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ this November 21, Thursday due to an event at the 3rd Floor Old Capitol.


Quezon Tourism

2024 Provincial Children’s Month Celebration | November 19, 2024

2024 Provincial Children’s Month Celebration | November 19, 2024

“Mag-iwan tayo ng makabuluhang bakas para sa kinabukasan, para sa mga bata ngayon na papalit sa atin bukas.”

Ito ang naging pahayag ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na 2024 PROVINCIAL CHILDREN’S MONTH CELEBRATION ngayong araw ng Martes, Nobyembre 19 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

May temang “Break the Prevalence, End the Violence” ang nasabing selebrasyon, at isinagawa ito bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa National Children’s Month alinsunod sa Republic Act 10661 na may layunin na mapataas ang antas ng kamalayan ng mga tao tungkol sa child protection.

Tinatayang nasa pitong daan naman na day care children at mga magulang mula sa iba’t-ibang bayan ng apat na distrito ng lalawigan ang dumalo at nakisaya sa programa.

Sa pag-uulat ni Governor Tan ukol sa kalagayan ng kabataan sa lalawigan, naibahagi niya ang aktibong pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan para sa serbisyo at programang nakaangkla sa HEALING Agenda na tutugon upang makamit ang pangarap na mabigyang karapatan at proteksyon ang buhay ng isang bata mula sa pagkabuo nito sa sinapupunan.

Samantala, ipinagkaloob sa 21 LGUs sa lalawigan ang 2024 Seal of Child Friendly Local Governance bilang pagpupugay sa kanilang isinasakatuparan na mga proyektong pambata. Nagkaroon din ng patimpalak ang mga batang dumalo kung saan bida ang kanilang mga talento.

Nakiisa upang magpakita ng suporta sa pagdiriwang sina Vice Governor Third Alcala, Chairperson Committee on Social Welfare Board Member Vinnette Alcala-Naca, PSWDO Head Sonia Leyson, DILG Provincial Director Abigail Andre, QPPO Provincial Director PCOL Ruben Lacuesta, at ang DSWD IV-A.


Quezon PIO

Blessing of Newly Renovated Quezon Provincial Information Office | November 19, 2024

Blessing of Newly Renovated Quezon Provincial Information Office | November 19, 2024

Para sa mas epektibong paglilingkod at mas mabuting paghahatid ng serbisyo sa ating mga kalalawigan, pormal nang binasbasan ang Newly Renovated Office ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) sa pangunguna ni Provincial Information Officer Jun Lubid ngayong araw ng Martes, Nobyemre 19.

Dinaluhan ito nina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, DILG Provincial Director Abigail N. Andres, QPPO Provincial Director PCOL Ruben Lacuesta, 2nd District Board Member Vinnette Alcala-Naca, Executive Assistant Rose Ann Verzo Caparros, Executive Assistant Atty. Kim Kenneth Pascua, Executive Assistant John Carlo Villasin, PG-ENRO John Francis Luzano, Tourism Officer Nesler Louies Almagro, HRMO Rowell Napeรฑas, Sports Officer Aris Mercene, Legal Officer Atty. Julienne Therese Salvacion, Provincial Accountant Mary Grace Gordula, CSD Rosaldo Valencia, PESO Manager Genecille Aguirre kasama ang ilang empleyado.


Quezon PIO

2024 Provincial Children’s Month Celebration | November 19, 2024

2024 Provincial Children’s Month Celebration | November 19, 2024

Break the Prevalence, End the Violenceย Protecting Children Creating a Safe Philippines.

DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

Livestream: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/1236546517398717/


Quezon PIO

JOB OPENING! – EPSON PRECISION PHILS. PRODUCTION OPERATORS

JOB OPENING! – EPSON PRECISION PHILS. PRODUCTION OPERATORS

Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Huwag kalimutang magdala ng RESUME, ID at ballpen.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe dito sa aming Facebook page.


Quezon PIO

Consultative Meeting | November 18, 2024

Consultative Meeting | November 18, 2024

Isinagawa nitong Nobyembre 18, ang isang Consultative Meeting sa Conference Room ng Quezon Capitol Building upang talakayin ang kalagayan ng Lagnas Bridge sa bayan ng Sariaya kung saan ay pansamantalang isasara upang isailalim sa isang rehabilitasyon dahil na rin sa pinsalang idinulot ng mga nagdaaang bagyo.

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing tulay na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 2nd District Engineering Office ay magdudulot ng pansamantalang limitasyon paggamit ng tulay, kung saan papayagan lamang na makadaan ang mga light vehicles tulad ng tricycle, jeepney, motorsiklo, van, kotse at mga bike.

Samantala, ang mga mabibigat na sasakyan (truck at bus) ay pinapayuhang dumaan sa alternatibong mga ruta at detour:

Quezon Eco-Tourism road, San Juan- Candelaria JCT Candelaria – Bolboc Road, Candelaria By-pass road

Tinalakay din ang mga hakbang na isasagawa sa rehabilitasyon ng tulay gamit ang micropiling na magpapalakas sa pundasyon nito at para sa tiyak na kaligtasan ng mga motorista.

Siniguro naman ni Quezon Provincial Police Director PCOL Ruben B Lacuesta na magiging katuwang ang kapulisan ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng rehabilitasyon at sa pagtutok sa kaligtasan ng publiko.

Hinikayat ni Governor Tan ang lokal na pamahalaan ng Sariaya at mga ahensya na maglatag ng proactive na plano para sa pagpapabuti ng imprastruktura lalo na sa mga oras ng kalamidad.


Quezon PIO

Ika-123 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | November 18, 2024

Ika-123 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | November 18, 2024

Idinaos ngayong araw ng Lunes Nobyembre 18, ang ika-123 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala na ginanap sa Kalilayan Hall, Lucena City.

Ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang masiglang awitin na hatid ng MSEUF Concert Singers – Alumni Association kung saan ay inimbitahan nila ang mga board member na dumalo sa kanilang 50th Golden Anniversary na may temang: Pag-Tanaw, Pagtan-aw: Ika- 50 Gintong Anibersaryo na Konsiyerto.

Bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo, ay binigyang parangal naman sina former QPPO Provincial Director Police Colonel (PCOL) Ledon D. Monte, Major General Roberto S. Capulong, Brigadier General Erwin A. Alea, at Brigadier General Cerilo C. Balaoro Jr.

Pinag-usapan sa pagpupulong ang mga resolusyon, ordinansa, panukala, at mga rekomendasyon sa resolusyon na maaaring gawing basehan ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapasa ng mga resolusyon.

Inimungkahi din dito ang mga pondo at mga programa na paglalaanan ng Annual Budget F.Y 2025 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na tinatayang nagkakahalaga na humigit P6 na bilyon para sa General Fund at humigit na P700,000 para sa Economic Enterprise na inaprubahan na nang Sangguniang Panlalawigan.

Gayundin, inaprubahan ang ordinansang nagdedeklara sa ika-10 ng Oktubre bilang Mental Health day sa munisipalidad ng Gumaca.

Sa layunin na mas mapabuti pa ang ating lalawigan asahan ang patuloy na pagbasa at pagapruba ng Sanggunian sa batas na makakatulong sa bawat mamayan at komunidad sa Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO