Nutrition Code of Quezon Province 2024 – Grand Public Hearing | November 26, 2024
Matagumpay na naisulong ang Nutrition Code of Quezon Province 2024 sa ginanap na Grand Public Hearing sa pangunguna ni Chairperson Committee on Health and Sanitation, at 3rd District Board Member John Joseph G. Aquivido ngayong araw ng Martes, Nobyembre 26 sa Bulwagang Kalilayan, Lucena City.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay kauna-unahan sa bansang Pilipinas na nagsusulong ng Nutrition Code at dito nga ay iprinisenta ni Provincial Nutritionist Action Officer (PNAO) Joan Maricel Zeta-Decena ang Nutrition Code, Nutrition Specific Programs, Nutrition-Sensitive Programs, Nutrition-Enabling Institutional Mechanisms, at Final Provisions. Naibahagi rin kung paano ito makakaapekto sa iba’t ibang sektor sa lalawigan, gaya ng edukasyon at agrikultura.
Layon nito na mas paigtingin pa ang partisipasyon sa pagitan ng Stakeholders, Local Government Units (LGUs), Health Professionals, at mga mamamayan patungkol sa bagong Nutrition Code.
Sinagot at binigyang linaw naman ang ilang mga katanungan mula sa mga tagapakinig na may kaugnayan sa implementasyon ng nasabing Code, at binigyang-diin din ang pakikiisa at suporta ng LGUs para sa maayos na implementasyon nito.
Samantala, dinaluhan ang nasabing hearing ng mga Municipal at City Nutrition Action Officers, Nutrition Program Coordinators, Municipal Health Officers, Provincial Nutrition Multisectoral Council, Sangguniang Bayan at Panlungsod, at Barangay Nutrition Scholars.
Quezon PIO