Pagpapakilala sa mga iskolar ng Priority Courses Scholarship and Return of Service Program | January 23, 2025
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, pormal nang ipinakilala ang mga iskolar ng Priority Courses Scholarship and Return of Service Program nitong araw ng Miyerkules, Enero 22.
Matatandaang isa sa layunin na nakapaloob sa HEALING Agenda ni Governor Doktora Helen Tan ang maayos na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataang Quezonian, at ito ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga scholarship programs sa mga kwalipikadong mag-aaral sa lalawigan.
Matapos ang masusing pagsusuri sa mga aplikanteng mag-aaral, labing-anim (16) ang nakapasa sa isinagawang screening at pinili ang mga kursong:
•Doctor of Medicine
•Doctor of Veterinary Medicine
•BS Medical Technology/ Medical Laboratory Science
•BS Midwifery
•BS Nutrition Dietetics
•BS Pharmacy
•BS Radiologic Technology
•BS Respiratory Therapy
•BS Social Work
Teacher Education:
•Special Needs Education
•BS Food Technology
Sa nasabing programang pang-edukasyon, libre ang matrikula at iba pang pangangailangan sa pag-aaral ng iskolars tulad ng libro, boarding o lodging at transportation allowance habang sila ay nag-aaral. Kaugnay nito, matapos silang makapagtapos sa kursong kanilang kinuha, sila ay maglalaan ng balik-serbisyo o return of service bilang empleyado sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan na nangangailangan ng serbisyo publiko.
Samantala, patuloy na magsusumikap ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan na iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Quezonian sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa pagkakaroon ng maayos na edukasyon.
Quezon PIO