2024 4th Quarter Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting | November 05, 2024
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang 2024 4th Quarter Provincial Peace and Order Council (PPOC) Meeting ngayong araw, Nobyembre 5 sa 3rd floor, Quezon Provincial Capitol, Lucena City.
Ang pagpupulong ay dinaluhan nina QPPO Provincial Director COL Ruben Lacuesta, PSWDO Head Sonia S. Leyson, DILG/PPOC Sec. Abegail N. Andres, HPG/PCPT Jerald Simeon, Engr. Russell C. Narte at kasama ang mga miyembro ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) , Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of the Interior and Local Government (DILG)-Quezon, Department of Public Works and Highways (DPWH)-Quezon at iba pang mga pampublikong ahensya.
Sa pagsisimula ng pagpupulong, binigyang parangal si dating QPPO Provincial Director PCOL Ledon D. Monte sa kanyang dedikasyon sa pagsisilbi. Ngayo’y naipasa na kay QPPO Provincial Director COL Ruben Lacuesta ang pamamahala at ipinagpapatuloy na ang nasimulang serbisyo para sa Lalawigan ng Quezon.
Nagbahagi rin ang bawat tanggapan ng kani-kanilang Accomplishment Report, kasama ang iba pang mahahalagang ulat patungkol sa sitwasyon ng iba’t-ibang kaso ng krimen, iligal na droga, insidente sa sunog, at aksidente sa buong Quezon.
Ito na ang huling pagpupulong ngayong taon ng PPOC kung kaya’t sa pagtatapos ng pagpupulong ay taos-pusong nagpasalamat si Governor Doktora Helen Tan sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Lalawigan ng Quezon.
Samantala, ipagpapatuloy ang Quarterly Provincial Peace and Order Council Meeting sa susunod na taon (2025) upang ipagpatuloy ang serbisyo para sa QUEZONIAN.
Quezon PIO