SHIELD Round Table Discussion & Technical Workshop Meeting | February 21, 2024
Sa patuloy na paghahangad na mas mapatibay at mapatatag pa ang kakayahan ng Lalawigan ng Quezon laban sa mga sakuna at pagbabago ng klima, nagkaroon muli ng talakayan at pagpupulong sa ilalim ng programang Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD) nitong Pebrero 21 sa Queen Margarette Hotel Domoit, Lucena City sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, kasama rin ang mga kinatawan mula sa Sangguniang Panlalawigan, Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Red Cross, DepEd Lucena at Tayabas, Southern Luzon State University (SLSU), Quezon ARMOR, Quezon Federation and Union of Cooperatives at United Nations Development Programme (UNDP) sa pangunguna ni UNDP Quezon Provincial Associate Ms. Sandra Corpuz.
Ilan sa pangunahing adyenda ng naturang pagpupulong ay ang talakayan patungkol sa Public-Private-People Partnerships for Resilience o tinatawag na Sambayanihan na ibinahagi ni National Resilience Council Program Officer Mutya Camba at ang diskusyon tungkol sa Value Chain Analysis na ibinahagi naman ni Mr. Jay Arididon, Program Coordinator mula sa Philippine Business for Social Progress – Luzon.
Sa huli, naging matagumpay ang maikling programa at nakapagbalangkas ng mga hakbang tungo sa mas maayos na komunikasyon at pagtutulungan ng bawat tanggapang kabahagi sa pagpapalakas ng laban kontra sa mga natural na sakuna na tiyak na magiging kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan ng Lalawigan.
Source: Quezon PIO