
1st Quarter Provincial Peace and Order Council Meeting (PPOC) | March 3, 2025
Upang mapanatili ang isang ligtas at payapang lalawigan ng Quezon, ginanap ang 1st Quarter Provincial Peace and Order Council Meeting (PPOC) para sa taong 2025, ngayong araw ng Lunes, ika-03 ng Marso sa 3rd floor Capitol Building, Lucena City.
Ito ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kaisa ang ilang tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan at mga ahensya na may kaugnayan sa panlalawigang seguridad at katahimikan.
Sa nasabing aktibidad, naglahad ng presentasyon ang Special Action Committee on Anti-Criminality na binubuo ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon, kung saan naibahagi ang accomplishment report para sa taong 2024, criminal statistics at ang kasalukuyang estado ng mga programang may kaugnayan sa pag-sugpo sa ilegal gawain gaya ng droga at sugal.
Kaalinsabay nito ay nagbahagi ang 201st at 202nd Infantry Brigade patungkol sa update ng insurgency situation sa lalawigan ng Quezon. Habang naglahad naman ng update ang Special Action Committee on Public Safety ukol sa road crash statistics and status of intervention, fire incidence statistics at estado ng mga ipinapatayong imprastruktura sa ilalim ng Peace and Order Council.
Sa huling bahagi ng pagpupulong ay naisangguni ang mga nais maaprubahang resolusyon na makatutulong upang higit pang mapagbuti ang seguridad at kaligtasan ng buong lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO