Provincial Anti-Drug Abuse Council Action Planning, Training & Workshop | February 27, 2024
Keep it drug-cleared!
Para sa pagpapaigting ng mga programa at pagbibigay ng pagkakataon sa mga kababayang nalulong sa droga, ginanap ang Action Planning, Training at Workshop ng Provincial Anti- Drug Abuse Council (PADAC) sa St. Jude Coop Hotel, Isabang Tayabas City.
Dinaluhan ng mga representatives mula sa DILG, PDEA, QPPO, QPPPO, DepEd, IPHO, DTI, DOLE, PESO, PYDO, PSWDO, at QPIO ang nasabing aktibidad ngayong araw ng Martes, Pebrero 27 na layong matulungan ang bawat Quezonian tungo sa pagbabago upang makamit ang payapa, produktibo, at ligtas na pamayanan ng lalawigan.
Samantala, ibinahagi ng konseho ang kanilang mga naging tagumpay noong nakaraang taon, gayundin ang mga plano, programa, at proyekto para sa kasalukuyang taon na layong maging daan upang makuha ang Anti- Drug Abuse Council o ADAC award.
Target naman na maging drug-related free ang lalawigan ng Quezon, at nais na mabigyan ng kabuhayan at hanapbuhay ang mga dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot para sa kanilang mas maayos na kinabukasan.
Source: Quezon PIO