
Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – San Francisco, Quezon | February 16, 2025
Upang masiguro na maisakatuparan ang layuning na maging progresibo at malusog ang lalawigan ng Quezon, walang patid na hatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission.
Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng nasabing programa para sa mga mamamayang Quezonian, sunod na napakinabangan ito ng 4,111 benepisyaryo mula sa bayan San Francisco nitong araw ng Sabado, Pebrero 15.
Ilan sa mga dalang libreng serbisyong medikal ang medical check-up para sa mga bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, pagpapa-opera ng maliit na bukol, cervical screening, family planning implant, libreng gamot, OB-GYNE, ultrasound, ECG, X-ray, ECG, FBS/RBS, CBC, at iba’t ibang pang Laboratory Examinations. Mayroon ding libreng check-up sa mata, at pasalamin sa lubos na nangangailang na nito.
Naging katuwang naman sa paghahatid ng serbisyo ang mga doktor at espesyalistang nagmula pa sa Maynila at iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.
Abangan din ang mga susunod na pupuntahang bayan ng medical team upang maghatid ng iba’t-ibang libreng serbisyong medikal ngayong taon.
Quezon PIO