NEWS AND UPDATE

Pig Blood Sample Collection for African Swine Fever | November 20-21, 2024

Pig Blood Sample Collection for African Swine Fever | November 20-21, 2024

Upang malaman kung mayroon pang virus ng African Swine Fever (ASF) ang nananatili sa mga babuyan sa Tiaong, Quezon, ang Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng blood sample collection sa ilang mga baboy, mula sa iba’t-ibang barangay, ng nasabing bayan nitong Nobyembre 20-21, 2024.

Kapag lumabas sa pagsusuri sa laboratoryo na negative sa ASF virus ang mga nakolektang dugo, ang bayan ng Tiaong, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist, sa pangunguna ni MA Zenaida Amargo, ay maaari ng mag-apply sa Bureau of Animal Industry para sa Certificate of Recognition of Active Surveillance on ASF (RAS-ASF).

Ang RAS-ASF ay kinakailangan upang

muling makapagbenta ng mga kataying baboy ang Tiaong patungo sa labas ng munisipalidad at lalawigan.


Quezon PIO

3rd North Luzon Travel Expo 2024 | November 21, 2024

3rd North Luzon Travel Expo 2024 | November 21, 2024

Mabuhay!👋

Quezon Province joins the 3rd North Luzon Travel Expo 2024 in San Juan, La Union.

Halina’t ating pasyalan ang ilan sa mga ipinagmamalaking produkto ng Lalawigan ng Quezon.

Tikman ang Pansit Habhab, Longganisang Lucban, Pinagong, Broas, Apas, ang masarap na sukang Marikit at tumagay ng Lambanog sa aming booth kasama ang iba’t ibang tanggapang panturismo ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Find the One in Region One.😉

Tara na sa Quezon!


Quezon Tourism

2024 Paskong Quezonian – Lights on – 6pm November 22, 2024

2024 Paskong Quezonian – Lights on – 6pm November 22, 2024

QUEZONIANS! Sabay-sabay nating damhin ang diwa ng Kapaskuhan!🎄✨

Sa darating na Biyernes (November 22), tunghayan ang opisyal na pagpapailaw at pagbubukas ng PASKONG QUEZONIAN 2024 sa Perez Park, Lucena City.

Kaya’t ayain na ang inyong pamilya at mga kaibigan sa makulay na selebrasyon na ito, dahil ngayong pasko’y magkakasama tayo. Isang Pamilya, Isang Probinsya.


Quezon PIO

2024 Provincial Career Advocacy Congress | November 21, 2024

2024 Provincial Career Advocacy Congress | November 21, 2024

Matagumpay na isinagawa ang 2024 Provincial Career Advocacy Congress (PCAC) ngayong Nobyembre 21 sa Bulwagang Kalilayan, Lucena City, na may temang “Revitalizing Provincial Network for Career Advocates towards Intensified Career Development Support Program.” Ito ay sa pangunguna ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Ms. Genecille P. Aguirre.

Naimbitahan dito sina Ms. Abigail Gilpo, Senior Labor and Employment Officer, mula sa DOLE Quezon, at bilang resource speaker naman ay si Mr. Jorge Manuel Laude Senior Labor & Employment Officer, mula sa DOLE RO4A kung saan dinaluhan ito ng apatnapu’t tatlo (43) na mga career advocates, guidance counselors, kasama ang Job Listment Office, at PESO Managers mula sa iba’t ibang distrito ng Lalawigan.

Layunin ng programa na magbigay kaalaman sa mga dumalo tungkol sa Career Development Support Program at Jobs & Labor Market Forecast na iprinisenta ni Mr. Laude.

Tinalakay din dito ang mga pagbabago sa labor market taon-taon at kung paano mapapalakas pa ang mga serbisyong ibinibigay ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapalago ang ekonomiya at matulungan ang mga job seekers sa kanilang career path at mga hamon sa paghahanap ng trabaho.

Sa huli ay isinagawa ang pledge of commitment para ipakita ang suporta sa implementasyon ng Pamahalaang Panlalawigan sa Career Development Support Program.


Quezon PIO

34th Library and Information Services Month | November 21, 2024

34th Library and Information Services Month | November 21, 2024

Upang mapalawak pa ang kaalaman sa pangangalaga ng kultura sa Lalawigan ng Quezon, ginunita ang Museums and Galleries Month at naganap ang seminar na may pinamagatang The Role of Museums in Safeguarding Cultural Heritage sa Quezon Convention Center, Lucena City ngayong araw ng Nobyembre 21.

Dito’y tinalakay ni OIC Museo ng Libingan sa Ilalim ng Lupa ng Nagcarlan National Historical Commission of the Philippines Albert Vincent F. Barreto ang kasaysayan, gampanin at kung paano magpasimula ng museo.

Dagdag pa ni Barreto, ang museo ay nagsisimula sa Cabinet of Curiosity na kung saan noong unang panahon ang tanging mayaman lang ang may kakayahang mangolekta ng mga bagay na hindi pangkaraniwan at iilang personalidad lang ang maaaring makakita hanggang sa maipubliko na ito at ganap na maging museo.

Sa pagunguna naman ni Quezon Provincial Tourism Officer Nesler Louies C. Almagro kabalikat ang Quezon Provincial Library at Gintong Yaman ng Quezon Museum, dinaluhan ito ng mga tourism officers, librarian, cultural advocates, mga guro at estudyante ng SLSU na may mahigit 100 mamamayan na nagmula sa iba’t ibang Local Goverment Units (LGUs) gaya ng Unisan, Panukulan, Mulanay, Tagkawayan, Sariaya, Atimonan, Perez, Pagbilao, Lucban, Infanta, Candelaria, San Narciso, Guinyangan, Polillo at Lucena City.


Quezon PIO

CONGRATULATIONS Quezon Province! “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program”

CONGRATULATIONS Quezon Province! “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program”

CONGRATULATIONS!🎊

Sa ginanap na “Year-end Assessment Conference, Awarding of Top Performing LGUs, and Wellness Program,” kabilang sa nabigyan ng mga parangal ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) Region IV-A at Association of Region IV-A Treasurers and Assessors Inc. (ARIVATAS) ang PROVINCIAL TREASURER’S OFFICE at PROVINCIAL ASSESSOR’S OFFICE.

Nagpapatunay lamang ito sa maayos at epektibong pamamahala sa pagbibigay ng nararapat na serbisyo para sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

World Children’s Day | November 20, 2024

World Children’s Day | November 20, 2024

“Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan.” – Dr. Jose Rizal.

Bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga susunod na henerasyon, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng World Children’s Day ngayong Nobyembre 20.

Sama- sama nating ipakita ang ating malasakit at pagpapahalaga sa mga batang Quezonian!


Quezon PIO

Capacity Development Training for QPESO Personnel – November 23, 2024

Capacity Development Training for QPESO Personnel – November 23, 2024

ANUNSYO

Ang tanggapan ng Quezon Provincial Public Employment Sevice Office ay magsasagawa/magkakaroon ng Capacity Development Training for QPESO Personnel (2024 Year-End Performance Assessment and 2025 Strategic Planning) sa ika-22 hanggang ika-23 ng Nobyembre, 2024.

Bunsod nito, pansamantalang isasara ang tanggapan sa ika-22 ng Nobyembre, araw ng Biyernes. Muling magbubukas ang tanggapan ng QPPESO sa araw ng Lunes( ika-25 ng Nobyembre, 2024).


Quezon PESO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – November 23, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – November 23, 2024

LIBRENG GAMUTAN MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN!

Magkakaroon ng Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) ngayong darating na araw ng Sabado, ika-23 ng Nobyembre sa Lusacan Central Elementary School, Brgy. Lusacan, Tiaong, Quezon.

Wag nating palagpasin ang araw na ito upang magpatingin ng libre sa mga doctor na bitbit ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.


Quezon PIO