
138th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | March 10, 2025
Sa patuloy na pagsusumikap na mas mapalakas at mapalawig pa ang mga makabuluhang inisyatibang nagtataguyod ng matapat, may malasakit, at epektibong pamamahala para sa mas maunlad at matatag na Lalawigan ng Quezon, pormal na ginanap ang ika-138 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Marso 10.
Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala katuwang ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang liham mula sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan patungkol sa isang resolusyon na magbibigay-awtoridad upang lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama ang mga kinikilalang paaralan, kolehiyo, at unibersidad para sa pagbibigay ng praktikal na pagsasanay sa Clinical Clerkship at Medical Internship.
Layunin nitong mas mapalakas ang sistemang pangkalusugan sa pamamagitan ng paglinang ng mga susunod na henerasyon o mga mag aaral sa propesyon ng medisina ng sa gayon ay mas mapahusay at mapabuti pa ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO