NEWS AND UPDATE

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon | February 8, 2025

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon | February 8, 2025

Sa patuloy na hangaring maipaabot ang Serbisyo ng Kapitolyo sa bawat mamamayan ng lalawigan ng Quezon ginanap ang Medical Mission “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon ngayong araw ng Sabado, Pebrero 8.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen dinaluhan ito nina Vice Governor Third Alcala, Doc Kim Tan, Board Member Vinnette Alcala, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Tinayang nasa 2,899 ang napagkalooban ng Medical Consulatation, Dental Extraction, Cholesterol, FBS, Ultrasound, ECG, Bukol Screening, libreng tuli at mga libreng gamot, kabilang din sa naipagkaloob ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng salamin para sa lubos na nangangailangan na nito.

Kaalinsabay nito, nakiisa din sa pagbibigay ng serbisyo ang Provincial Veterinary Office (ProVet) upang bigyang halaga hindi lang ang kalusugan ng mga alagang hayop, kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga mamayang Quezonian.

Samantala, asahan ang tuloy-tuloy na pagpapaabot ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

A forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

A forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

“The Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD)”

Sa inisyatibo ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni PSWDO Head Sonia S. Leyson katuwang ang Harvest of Hope Foundation Inc. ay naisakatuparan ngayong araw, Pebrero 8, ang isang makabuluhang aktibidad na naglalayong magkaroon ng malalim na kamalayan sa mga batang may Autism Spectrum Disorder.

Nagbahagi ng kaalaman at personal na karanasan ang mga guest speakers na sina Dr. Joel D. Lazaro, Dr. Inez Margarita D. Montenegro-Celera, at Mrs. Rodela Manaloto kung saan tinalakay nila ang kondisyon ng batang may ASD, ang mga hamon na kinakaharap nito, at ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkatao ng isang batang may ganitong kondisyon.

Samantala, kasamang nakilahok sa aktibidad ang mga kinatawan at mga magulang mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at ilang non-government organization.

Asahan namang patuloy na maglulunsad ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ng mga programa na magsusulong ng pantay na pagtingin at malawak na pagtanggap sa mga taong may espesyal na pangangailangan.


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – San Antonio, Quezon | February 8, 2025

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – San Antonio, Quezon | February 8, 2025

TINGNAN: Ang mga naging kaganapan sa isinagawang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission ngayong araw ng Sabado, Pebrero 8, sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan, dinaluhan ito nina Vice Governor Third Alcala, Doc Kim Tan, Board Member Vinnette Alcala, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) | February 8, 2025

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) | February 8, 2025

RECORDED AS LIVE: Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission)

Barangay. Briones San Antonio, Quezon

Link: https://www.facebook.com/share/v/15wz2W3KEy/


Quezon PIO

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD)

Recorded Live: https://www.facebook.com/share/v/1BQFKnFmU1/


Quezon PIO

Orange Tourism Festival 2025 – Literature Workshop | February 7, 2025

Orange Tourism Festival 2025 – Literature Workshop | February 7, 2025

TINGNAN: Sa ikalawang araw ng LITERATURE WORKSHOP na bahagi ng Orange Tourism Festival 2025, makabuluhang itinanghal ng 19 kalahok ang kanilang mga isinulat na piyesa.

Ginanap ang nasabing workshop ngayong araw, Pebrero 7 sa Habilin Farm, Tayabas City kung saan mas nagkaroon ng malalim na pag-unawa ukol sa literatura ang mga Quezonian na kalahok sa layunin na mapagyaman nila ito ng buong-puso.

Abangan pa ang iba’t-ibang workshop na may kinalaman sa sining upang ipagdiwang ang Nationa Arts Month sa mga susunod na araw.

Gayundin ay suportahan ang pagbabahagi at pagtatanghal nila sa darating na Pebrero 19-20 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

#OrangeTourismFestival2025 #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan | February 7, 2025

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan | February 7, 2025

Para sa patuloy na hangaring malusog at maunlad na Lalawigan, isinagawa ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o “Medical Mission” sa Quezon Convention Center, Lucena City ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 7.

Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kawani mula sa Quezon Provincial Health Office at ilang pribadong doktor at espesyalista mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Quezon.

May kabuuang bilang na 3,225 ang benepisyaryo mula sa lungsod ng Lucena ang libreng nahatiran ng iba’t ibang serbisyong medikal gaya ng Medical Consultation, Dental Extraction, Minor Surgery, FBS, Laboratory, Ultrasound, at ECG. Kaugnay nito nagbigay rin ng mga libreng gamot at libreng salamin para sa mga indibidwal na may problema sa kanilang paningin.

Samantala, asahang patuloy na lilibot ang medical team sa bawat sulok ng lalawigan ng Quezon upang masiguro na lahat ng Quezonian ay mahahatiran ng libreng serbisyong pangkalusugan.

#HEALINGQuezon #SerbisyongTunayAtNatural #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

Tamang Impormasyong Pangkalusugan tungkol sa Hand, Foot and Mouth Disease | February 7, 2025

Tamang Impormasyong Pangkalusugan tungkol sa Hand, Foot and Mouth Disease | February 7, 2025

Dumarami na naman ang kaso ng HFMD kaya panuorin si Nurse Gina upang magbigay ng TIP, Tamang Impormasyong Pangkalusugan tungkol sa Hand, Foot and Mouth Disease.

Maging mapanuri at malinis para maprotektahan ang kalusugan ng inyong mga anak mula sa HFMD. Alamin ang mga sintomas at hakbang sa pag-iwas upang mapanatiling ligtas ang pamilya.

Kapag nakaramdam ng mga sintomas ng HFMD, kumonsulta agad sa pinakamalapit na Primary Care Providers.

Facebook Post Link: https://www.facebook.com/share/v/1GaZcP8JFA/


Quezon Provincial Health Office

Orange Tourism Festival – Literature, Dance, & Music Workshop | February 6, 2025

Orange Tourism Festival – Literature, Dance, & Music Workshop | February 6, 2025

TINGNAN: Ilang kaganapan sa ikalawang araw ng DANCE at MUSIC WORKSHOP bilang bahagi ng Orange Tourism Festival 2025 na ginanap sa Bangkong Kahoy Valley at Lukong Valley, Dolores Quezon.

Naging produktibo sa nasabing pagsasanay ang 17 mananayaw at 18 musikerong Quezonian sa layunin na mas mabigyang buhay ang kanilang piling larangan ng sining.

Kaalinsabay naman nito’y ginanap na rin ang unang araw para sa LITERATURE WORKSHOP sa Habilin Farm, Tayabas City ngayong Pebrero 6 kung saan 19 Quezonian mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang nakilahok.

Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing simula ng muling pagbuhay ng kultura at sining na isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating lalawigan kaya’t asahan ang mga susunod na kaganapan at programa na magbibigay ng mas maraming pagkakataon at pagpapahalaga sa malikhaing kaisipan at puso ng mga Quezonian.

Samantala, abangan ang presentasyon ng kanilang pinaglaanang mabuo na sining sa Pebrero 19-20, 2025 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

#OrangeTourismFestival2025


Quezon PIO