Blessing ng Multi-Purpose Covered Court ng Brgy. Anawan, Polillo, Quezon | March 16, 2024
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang blessing ng Multi-Purpose Covered Court ng Brgy. Anawan sa Bayan ng Polillo nitong araw ng Biyernes, Marso 15.
Kasamang nakibahagi sa maikling programa sina Vice Governor Third Alcala, Polillo Mayor Angelique Bosque at ilang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng naturang bayan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente ng nasabing barangay sapagkat malaki ang kapakinabangan ng covered court na ito bilang pangunahing pagdadausan ng kanilang mga okasyon at programa.
Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maibaba at mailapit ang mga tulong sa bawat bayan ng Quezon, upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na komunidad ng Lalawigan.
Source: Quezon PIO