
Kalinga sa mamamayan, Libreng Gamutan | January 23, 2025
Muling umarangkada sa bayan ng Sariaya ngayong araw, Enero 23 ang Medical Mission o ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” bilang bahagi ng pangarap na malusog na lalawigan ng Quezon.
Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, Quezon Medical Society, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.
Tinayang nasa 2,318 benepisyaryo ng nasabing bayan ang libreng nahatiran ng iba’t-ibang serbisyong medikal gaya ng Medical Check-up, Dental Extraction, Cholesterol, FBS, Ultrasound, ECG at mga libreng gamot. Kabilang din sa naibigay na serbisyo ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng salamin para sa lubos na nangangailangan na nito.
Abangan naman ang muling pag-ikot ng buong medical team sa lalawigan ng Quezon upang mailapit ang nararapat na pangkalusugan na serbisyo para sa mga Quezonian na nangangailan.
#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025
Quezon PIO