Women’s Consultation and Assembly | March 18, 2024
Walang sinayang na oras si Governor Doktora Helen Tan sa pagbaba sa Bayan ng Patnanungan kung saan kaniyang pinaunlakan ang Women’s Consultation and Assembly kasabay ng isinasagawang Medical Mission sa nasabing Bayan ngayong araw ng Linggo, Marso 17.
Kasama rin dumalo sina Vice Governor Third Alcala, Patnanungan Mayor Marie Claire Larita-Natividad, Vice Mayor Reynaldo Anonuevo at iba pang myembro ng Sangguniang Bayan.
Hangad ng Gobernadora na sa paglaon ng panahon ay patuloy na maging kabahagi ang mga kababaihan sa pagtataguyod ng kanilang pamilya at makatulong sa kagalingan ng kapwa babae at ng kanilang buong komunidad.
Nagkaroon rin ng talakayan patungkol sa Violence Against Women and their Children Act (VAWC) upang makadagdag sa kaalaman ng mga kababaihan patungkol sa kanilang karapatan sa pangunguna ni Acting Provincial Legal Officer Atty. Jette Salvacion mula sa Provincial Legal Office.
Namahagi rin ng food packs para sa bawat isang kababaihan na handog ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, gayundin ang raffle draw na hatid naman ng Gobernadora bilang dagdag pampasaya sa mga kababaihang dumalo sa maikling programa.
Source: Quezon PIO