Ika-89 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan | March 25, 2024
Sa pagsusumikap na maaprubahan ang mga ordinansang bayan, executive orders at resolusyong makakatulong sa bawat mamamayan sa Quezon, ginanap ang Ika- 89 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Marso 25.
Bilang pagbibigay pagpapahalaga sa bawat kababaihan, naipasa na ang Revised GAD Code of Quezon Province kung saan binalangkas ang mga bagong patakaran sa pagsusulong ng womenβs empowerment at gender equality.
Samantala, nagkaroon naman ng sabayang pag-apruba sa mga liham mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na magbibigay daan sa paglagda ni Governor Doktora Helen Tan na pumasok sa mga kasunduang mapapakinabangan at ikauunlad ng bawat mamamayan.
Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala katuwang ang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, asahan na tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyong pang-lehislatura para sa bawat mamamayan ng Quezon.
Source: Quezon PIO