PDRRMC Quezon EOC – “OPLAN SEMANA SANTA 2024” | March 27-29, 2024
QPOC, Brgy. Isabang, Tayabas City
Ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagsasagawa ng patuloy na pagsubaybay sa mga mananampalataya, motorista, at mga turista sa lalawigan ng Quezon upang masigurong mapayapa at ligtas ang lahat habang ginugunita ang Mahal na Araw.
Sa pamamagitan ng 24/7 na operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) ng PDRRMC Quezon (Oplan Semana Santa 2024), katuwang ang iba pang ahensya tulad ng QPPO, BFP, PCG Southern Quezon, PHO, PEO, PGSO at iba pang mga volunteers ay nagiging epektibo, madali ang ugnayan at koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan at ahensya tungo sa pag-iwas, paghahanda, pagtugon at pagbangon sa anumang uri ng sakuna na posibleng mangyari sa ating lalawigan.
May mga ipinadala din PDRRMO personnel sa mga bayan ng Dolores at Lucban, Quezon upang tumulong sa pagresponde sa mga nasabing bayan lalo pa’t dinadayo ito ng maraming tao sa panahon ng Semana Santa.
Patuloy pong sumubaybay sa aming fb page para sa mga updates tungkol sa lagay ng trapiko, ulat sa panahon, at mga karagdagang paalala upang mapanatili ang kaayusan, at kaligtasan ng bawat isa ngayong Mahal na Araw.
Mga Katuwang na Ahensya:
Quezon Police Provincial Office
BFP R4A Quezon Provincial Office
Coast Guard Southern Quezon
Quezon Provincial Health Office
Provincial Engineering Office (PEO) Quezon
Provincial General Services Office (PGSO) Quezon
Mdrrmo Dolores Quezon
Mdrrmo Lucban
PAF – 32nd AFRG
Source: Quezon PDRRMO