
Duck Raiser’s Consultative Meeting 2025 | July 10, 2025
Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian ang isang Duck Raiser’s Consultative Meeting noong Hulyo 8, 2025 sa OPV Conference Hall sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon na dinaluhan ng mga Duck Raiser’s mula sa iba’t ibang bayan ng Quezon. Ang layunin nito ay mas mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok kaugnay ng biosecurity, pagsunod sa mga regulasyon, at pagpapaunlad ng industriya ng pagpapalahi ng itik sa Quezon.
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Dr. Adelberto Ambrocio ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng mga duck raiser’s upang makamit ang isang maayos, ligtas, at progresibong industriya.
Tinalakay ni Dr. Arlene Vytiaco mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang proseso ng Registration of Duck Farms, na mahalagang hakbang upang maitala ang mga lehitimong poultry operators sa lalawigan. Sinundan ito ni Ms. May Basilan na nagbahagi ng impormasyon tungkol sa Animal Disease Monitoring Compliance Certificate, na nagsisilbing patunay ng pagsunod ng mga farm sa pamantayan ng kalusugan ng hayop.
Nagbigay naman si Dr. Glenn Reyes ng teknikal na kaalaman tungkol sa Biosecurity for Duck Farms, kung saan binigyang-diin ang mga paraan upang mapanatiling ligtas sa sakit at kontaminasyon ang mga alagang itik.
Naging daan ang pagpupulong sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga duck raiser at iba’t ibang ahensya, gayundin sa pagbabahagi ng kaalaman para sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan. Isa itong patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa sektor ng paghahayupan.
#ProVetQuezon
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince
Quezon PIO / ProVet