
Luzonwide Coconut Farmer Cooperatives Summit | November 13-14, 2024
Ibaโt-ibang kinatawan mula sa bawat kooperatiba ng samahan ng mga magniniyog sa buong Luzon ang nagtipun-tipon nitong ika-13 hanggang ika-14 ng Nobyembre 2024 sa St. Jude Cooperative Hotel, Lucena City, Quezon bilang pakikiisa sa taunang ๐๐ช๐ฏ๐ค๐ฃ๐ฌ๐๐๐ ๐พ๐ค๐๐ค๐ฃ๐ช๐ฉ ๐๐๐ง๐ข๐๐ง๐จ ๐พ๐ค๐ค๐ฅ๐๐ง๐๐ฉ๐๐ซ๐๐จ ๐๐ช๐ข๐ข๐๐ฉ kung saan napili ang Quezon na maging katuwang sa pamamalakad ng nasabing aktibidad sa buong rehiyon.
Isa sa mga layunin nito ang maipakilala ang mga coconut-based products na gawa ng mga kooperatiba at maiugnay sila sa ilan sa mga stakeholders at malakihang merkado na makikiisa sa trade fair. Magkakaroon din ng palitan ng kuru-kuro pagdating sa plenary sa pagitan ng mga ahensya at kalahok sa nasabing programa.
Kabilang naman sa mga nakiisa si Provincial Agriculturist Liza Mariano na nagpaabot ng kanyang patuloy na pagsuporta sa mga kooperatiba at magsasaka sa lalawigan at buong Luzon.
Dagdag pa rito ang mga ahensya na naging daan upang maisakatuparan ang nasabing aktibidad gaya ng PCA, DTI at CDA na siya namang nanguna sa nasabing pagtitipon sa ilalim ng CFIDP.
๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ด ๐ค๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต ๐ต๐ฐ: ๐๐ด. ๐๐ต๐ณ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ฃ๐ฆ๐ญ๐ญ๐ข ๐ฐ๐ง ๐๐ช๐ฌ๐ข๐ด๐ต๐ณ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ฎ, ๐๐ข๐ค๐ข๐ญ๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฏ, ๐๐ถ๐ฆ๐ป๐ฐ๐ฏ
Quezon OPA