Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Perez, Quezon | April 07, 2024
Sa huling araw ng paghahatid ng Libreng Serbisyong Gamutan para sa mga naninirahan sa AlQueRez Islands, masayang nagtungo ang Medical Team sa bayan ng Perez nitong nakaraang araw ng Linggo, Abril 7 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.
Handog ang iba’t-ibang serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng nasabing bayan ay nakapagtala ng 2,417 ang naging benepisyaryo na labis na nakatugon sa pangkalusugan nilang pangangailangan.
Kabilang sa mga naihatid na serbisyo ang libreng medical check-up, tuli, family planning implant and consultation, cervical cancer screening, breast screening exam, physical therapy, eye check-up, ENT, ob-gyne, ultrasound, X-ray, minor surgery, PCV 23 Vaccination, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, at Blood Uric Acid.
Para naman sa mga hindi available ang gamot na iniresetang ng doktor, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay nakatanggap sila ng medical assistance.
Samantala, handog ng Office of the Provincial Veterenarian ang libreng konsultasyon, deworming, at pagbabakuna ng anti-rabies para sa mga may alagang hayop.
Namahagi rin sa ginanap na maikling programa ang 55,000 worth of essential medicines para sa bawat barangay ng isla ng Perez.
Nakasama naman sa paghahatid ng serbisyo sina Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Angelo Eduarte, Board Member Harold Butardo , Board Member Derick Magbuhos, Mayor Charizze Escalona, Vice Mayor Ryan Panol, at mga doktor na mula sa iba’t-ibang lokal at nasyonal na ospital.
Asahan na sa mga susunod na buwan ay magpapatuloy ang pagdaloy at paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Quezon tungo sa mas malusog na pamumuhay sa lalawigan.
Source: Quezon PIO