NEWS AND UPDATE

2nd Quarter PDRRMC Full Council Meeting | April 16, 2024

2nd Quarter PDRRMC Full Council Meeting | April 16, 2024

Isinagawa ngayong araw ng Martes, Abril 16 ang pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.
Layon ng nasabing pulong na talakayin ang kasalukuyang klimang nararanasan ngayon sa lalawigan ng Quezon, mga naging accomplishments sa pagresponde ng konseho nitong nakaraang semana santa, gayundin ang updates ukol sa El Niño at ang epekto nito sa agrikultura at livestock.
Kabilang din sa naibahagi ang ginawang pagtugon ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) para sa mga mamamayan na naging biktima ng iba’t-ibang insidente mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Samantala, dumalo sa ginanap na pagpupulong sina PDRRMO Head Dr. Melchor Avenilla Jr., Provincial Engineering Office Head Engr. Marichelle Ferrer, at ang iba pang kabilang sa konseho na nakiisa via Zoom Conference.

Source: Quezon PIO

1st Quarter Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) Meeting | April 16, 2024

1st Quarter Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) Meeting | April 16, 2024

Masinsinang nakipagpulong si Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga miyembro ng Quezon Provincial Tourism Council (QPTC) ngayong araw ng Martes, Abril 16 upang talakayin ang mga planong proyekto na magpapalakas pa sa agri-turismo ng lalawigan ng Quezon.
Kabilang sa napag-usapan ang Proposed AIP para sa taong 2025, kung saan paglalaanan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga aktibidad at programang makatutulong upang mas makilala pa ang kagandahan ng buong Quezon. Isa sa nais ibida ang nakabibighaning mga bayan sa Polillo Group of Islands.
Masaya namang ibinahagi sa pulong ang pagkakaapruba ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon Province Culture, Arts, and Tourism Code of 2024 na magsisilbing gabay ng bawat LGU para sa mas maayos na pamamahala ng ganda ng turismo sa lalawigan.
Samantala, hinikayat ng gobernadora na magkaroon at maghandog ng “Tagayan Ritual” para sa mga turistang dadayo sa lalawigan upang mas maramdaman ng mga ito ang kulturang malaking bahagi sa pagiging isang Quezonian.

Source: Quezon PIO

Kadiwa ng Pangulo | April 16, 2024

Kadiwa ng Pangulo | April 16, 2024

Sa ika-apat na pagkakataon, muling dinagsa ng mga mamimiling Quezonian ang mga produktong lokal ng lalawigan na mabibili sa mababang halaga, sa isinagawang “KADIWA ng Pangulo” na proyekto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong araw ng Martes, Abril 16 sa Perez Park, Lucena City.
Mabibili rito ang mga mura at dekalidad na lokal na produkto ng mga magsasaka sa lalawigan gaya ng sariwang karne, gulay, prutas at bigas.
Patuloy namang naisasakatuparan ang nasabing programa sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture, at iba pa.
Abangan muli ang mga murang bilihin sa kapitolyo sa mga sumusunod na petsa:
• June 14, 2024 (Friday)
• July 16, 2024 (Tuesday
• August 15, 2024 (Thursday)
• September 13, 2024 (Thursday)
• October 15, 2024 (Tuesday)
• November 15, 2024 (Friday)
• December 13, 2024 (Friday)

Source: Quezon PIO

2nd Quarter Provincial Peace and Order Council Meeting | April 15, 2024

2nd Quarter Provincial Peace and Order Council Meeting | April 15, 2024

Pininangunahan ni Governor Doktora Heen Tan ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) 2nd Quarter Meeting kahapon, Abril 15 sa 3rd Floor Quezon Capitol Building, Lucena City.
Nagbigay ng ulat ang iba’t ibang ahensya gaya ng Quezon Provincial Police Office, PDEA, 201st at 202nd Brigade, DILG, DPWH, PDRRMO, BFP, Office of the Provincial Agriculturist, at iba pa patungkol sa kasalukuyang datos ng krimen, ilegal na droga, insurhensya, aksidente, fire incidence, at mga programang ipinapatupad para sa seguridad ng pamumuhay sa buong lalawigan.
Natalakay din ang mga concerns ng ilang Local Government Unit sa kanilang nasasakupan partikular sa karagatan ng Lamon Bay kung saan madalas isagawa ang hindi kanais-nais na insidente na nakakaapekto yamang kalikasan ng karagatan.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at buong konseho ng PPOC, asahan na patuloy na sinisiguro ang pagsulong ng kaayusan at kapayaan sa buong lalawigan ng Quezon.

Source: Quezon PIO

Ika-92 Pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | April 15, 2024

Ika-92 Pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | April 15, 2024

Pinarangalan at binigyang pagkilala ang mga bayan na Top Performers on the 2023 Cities and Municiplaities Competitive Index (CMCI) sa lalawigan sa ginanap na ika-92 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Vice Governor Third Alcala kahapon, Abril 15.
Patunay na binibigyan pagpapahalaga ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang pagsisikap ng bawat Local Government Unit upang patuloy na mapaunlad ang kanilang mga bayan.
Sa ibang usapin, patuloy ang pagdinig sa mga ordinansa at resolusyon mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan na may kinalaman sa pagpapabuti ng kanilang mga nasasakupan.
Samantala, binigyang resolusyong pagkilala si Vlademeer Sanchez Sorezo sa kanyang pagkakapanalo ng gintong medalya sa Open 93kg Category, Master 1 93kg category, at Best Lifter sa Master 1 Category sa ginanap na 2024 National Equipped Benchpress Championship sa Lungsod ng Maynila.

Source: Quezon PIO

Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Vice Governor Third Alcala ang pagbisita. | April 15, 2024

Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Vice Governor Third Alcala ang pagbisita. | April 15, 2024

INGNAN: Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Vice Governor Third Alcala ang pagbisita kahapon, Abril 15 ng Lucena City Tennis Club (LCTC) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Malugod namang ipinaabot ng gobernadora ang kanyang pagsuporta sa nasabing pamunuan sa kanilang mga inihandang aktibidad para sa produktibong pakikiisa ng mga Quezonian sa larangan ng tennis.

Source: Quezon PIO

Let’s Wear Orange

Let’s Wear Orange

Quezonians, handa ka na ba para sa Game 4 Finals ng QUEZON TITANS laban sa Nueva Ecija Capitals na gaganapin bukas, April 16 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Upang ipakita ang suporta sa ating koponan, aming hinihikayat na magsuot ng ORANGE SHIRT para sa mas nag-aalab na puwersa ng pagsuporta sa pambato ng lalawigan.

Laban Titans!

Source: Quezon PIO

CONGRATULATIONS! Gov. Doktora Helen Tan receiving the Philippine Army Stakeholder Award | April 15, 2024

CONGRATULATIONS! Gov. Doktora Helen Tan receiving the Philippine Army Stakeholder Award | April 15, 2024

CONGRATULATIONS!
Binigyang parangal si Governor Doktora Helen Tan ng Philippine Army 2nd Infantry (Jungle Figther) Division bilang pagpupugay sa kanyang walang sawang pakikipagbalikatan at suporta upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa lalawigan ng Quezon gayundin sa buong Pilipinas.

Source: Quezon PIO

Prohibited Items – President’s Cup 2024 Finals

Prohibited Items – President’s Cup 2024 Finals

PAALALA:

Muli, pinaaalalahanan ang mga manonood ng Game 4 ng PSL President’s Cup 2024 Finals sa Quezon Convention Center bukas, April 16, na ipinagbabawal dalhin ang mga sumusunod sa loob ng Quezon Convention Center:

– Bags (Medical exemptions apply)
– Large Umbrellas
– Aluminum and glass drink containers / Plastic Bottles
– Alcohol / Perfume
– Food and drink
– Pushchairs
– Selfie sticks
– Weapons and tools
– Flares, lasers, smoke devices and cannisters
– Large-bodied cameras and camcorders
– Drones
– Unauthorized musical instruments and vuvuzelas

Source: Quezon PIO

President’s Cup 2024 Finals

President’s Cup 2024 Finals

LIBRE ANG TICKET para sa Game 4 ng Pilipinas Super League President’s Cup 2024 Finals na gaganapin sa Quezon Convention Center bukas, April 16.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng tickets para sa gaganaping laro.

Para sa ibang detalye, makipag-ugnayan lamang sa Official Facebook Page ng Provincial Government of Quezon, Atorni Mike Tan, at Doktora Helen Tan.

Source: Quezon PIO