Barangay Tanod Assembly & Consultation | April 27, 2024
Sa patuloy na paglibot ng Pamahalaang Panlalawigan upang maibaba ang iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan sa buong lalawigan, pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang Barangay Tanod Convention kasabay ng isinasagawang Medical Mission nitong araw ng Sabado, Abril 27 sa bayan ng Tagkawayan.
Kasamang nakiisa sina Vice Governor Third Alcala, 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Bokal Sonny Ubana, Bokal Harold Butardo, Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar at Vice Mayor Danny Liwanag.
Nagbigay bilin ang Gobernadora sa mga Barangay Tanod na patuloy na protektahan ang kani-kanilang barangay, at maging katulong ng mga kapulisan para sa kaayusan ng bawat komunidad sa Lalawigan. Aniya, hangad niya na makilala rin ang Quezon bilang ligtas at tahimik na lalawigan para sa mga mamamayan at mga turistang bibisita rito.
Samantala, nagbahagi naman ng dagdag kaalaman sina PDRRM Officer Dr. Melchor Avenilla Jr. at Provincial Legal Officer Atty. Jette Salvacion sa diskusyon patungkol sa mga tungkulin ng bawat Tanod.
Bagaman matindi ang init ng panahon, nangibabaw pa rin ang ngiti ng mga Barangay Tanod dahil sa mga mensaheng narinig at sa ipinamahaging mga bagong uniporme at heavy duty flashlights, gayundin sa handog ng Gobernadora na raffle at food packs na mula naman sa DSWD.
Source: Quezon PIO