NEWS AND UPDATE

Veterinary Medical Mission with Spay and Neuter | November 26-27, 2024

Veterinary Medical Mission with Spay and Neuter | November 26-27, 2024

Nagsagawa ng Veterinary Medical Mission with Spay and Neuter ang Office of the Provincial Veterinarian sa Calauag, Quezon nitong Nobyembre 26-27, 2024. Ang mga serbisyo na libreng ibinigay sa mga furparents ng nasabing bayan ay ang mga sumusunod: spay & neuter, anti-rabies vaccination, deworming, at consultation. Ang aktibidad ay pinangunahan nina Dr. Flomella Caguicla, Dr. Philip Augustus Maristela, at Dr. Camille Calaycay kasama ang ilang mga technical personnel ng tanggapan.

May kabuoang bilang na 213 na aso at pusa ang nabigyan ng serbisyo na pag-aari ng 138 na kalalawigan natin.

Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa tulong ng Office of the Municipal Agriculturist ng Calauag sa pamumuno ni MA Maybel Espino.


Quezon PIO

Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | November 29, 2024

Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | November 29, 2024

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants at iba pang veterinary services sa bayan ng Lopez at San Andres.

May kabuuang 173 na mga baka at kalabaw na pag-aari ng 115 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa dalawang bayan.

Naisakatuparan ang aktibidad na ito sa pakikipagtulungan ng tanggapan sa DA-PCC UPLB, BAI,NDA,DARFO4A, RAIC, LGU San Andres, at LGU Lopez.


Quezon PIO

Quezon Resilience Council ang SHIELD (Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change) Integrated Approach in Understanding, Planning, and Developing Resilience Actions | November 26-28, 2024

Quezon Resilience Council ang SHIELD (Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change) Integrated Approach in Understanding, Planning, and Developing Resilience Actions | November 26-28, 2024

Sa patuloy na paghahanda tungo sa kaligtasan ng mga mamamayan sa Lalawigan ng Quezon, isinagawa ng Quezon Resilience Council ang SHIELD (Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change) Integrated Approach in Understanding, Planning, and Developing Resilience Actions ng probinsya na ginanap mula Nobyembre 26 hanggang 28 sa M.I. Sevilla’s Resort Domoit, Lucena City.

Layunin ng tatlong araw na aktibidad na mapabilis at mapabuti ang implementasyon ng mga programang pagpapalakas ng institusyon at magbibigay ng kaalaman laban sa mga sakuna, natural na kalamidad at pagbabago ng klima.

Dagdag pa rito’y nagkaroon ng talakayan ukol sa pag-unawa sa pangunahing konsepto ng Risk, Resilience at Bridging Leadership. Binigyang-diin din ang pagnanais na maging matatag at matibay ang industriya ng Abaca Fiber sa lalawigan ng Quezon.

Naisakatuparan ang naturang workshop sa pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Australian Aid, United Nations Development Programme (UNDP), UN-Habitat, Philippine Business and Social Progress (PBSP), at National Resilience Council.


Quezon PIO

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang mga kinatawan ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company | November 28, 2024

Pagbisita sa Tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang mga kinatawan ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company | November 28, 2024

Bumisita ngayong araw, Nobyembre 28 sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang mga kinatawan ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company, Inc upang ipagkaloob ang tatlong bagong laptop na ilalagay sa Quezon Preparedness Operation Center (QPOC).

Ang nasabing mga laptop ay magsisilbing gamit para sa emergency response at information dissemination tuwing may kalamidad sa lalawigan ng Quezon kung kaya’t malugod na pinasalamatan ng Gobernadora ang PLDT sa pagkakaloob nito.

Nakasama sa ginanap na pulong sina Mr. Arman Garcia at Robert Talag na mula sa PLDT, gayundin si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Dr. Melchor Avenilla Jr.


Quezon PIO

Men’s Month Move Celebration | November 28, 2024

Men’s Month Move Celebration | November 28, 2024

augnay sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women, ginanap ngayong araw ng Nobyembre 28 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang Men’s Day Celebration sa pangunguna ng Provincial Gender and Development (PGAD) Office.

Layunin ng nasabing programa na maisulong ang adbokasiya na mawakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan, kung saan naman ay dinaluhan ito ng mahigit 2,000 mga kasapi ng MOVE o Men Opposed to Violence Everywere.

Samantala, bilang Chairperson ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ay binigyang-diin at hinikayat ni Governor Doktora Helen Tan ang partipisipasyon ng bawat pampubliko at pribadong institusyong dumalo na maging isa sa magsusulong ng kamalayan at kaalaman na masugpo ang anumang klaseng karahasan sa mga kababaihan at kabataan.

Kaalinsabay nito’y iginawad ang parangal at pagkilala sa 14 Local Government Units (LGUs) na nakakuha ng Highly Functional Rating sa 2024 Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).

Nakasama naman sa ginanap na programa sina DILG Provincial Director Abigail Andres, Board Member Yna Liwanag, Board Member Angelo Eduarte, Fourth Alcala bilang kinatawan ni Vice Governor Third Alcala, Doc Kim Tan bilang kinatawan ni DPWH Region I Regional Director Ronnel Tan, MOVE Quezon Chapter President Bernardino P. Torno, at mga kawani mula sa Regional Inter-Agency Committee on Anti-Trafficking – Violence Against Women and Children (RIACAT – VAWC).


Quezon PIO

3rd General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province Inc. (PCCI-QPI) | November 28, 2024

3rd General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province Inc. (PCCI-QPI) | November 28, 2024

Congratulations, Lalawigan ng Quezon!

Kaugnay ng isinagawang 3rd General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Quezon Province Inc. (PCCI-QPI) taos-puso ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa kanilang iginawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon bilang isa sa mga finalist ng 2024 Most Business-Friendly Local Government Unit Awards Provincial Level ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 28 sa 3rd Floor, Provincial Capitol Bldg. Lucena City.

Ang naturang parangal ay bunga ng kapuri-puring mga inisyatibo tungo sa mabuting pamamahala na nagtataguyod ng kalakalan, pamumuhunan, at nagbibigay ng mahalagang ambag sa lokal na pag-unlad ng ekonomiya.

Asahang mas pagbubutihin at patuloy na maghahatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng dekalidad na serbisyong pang-ekonomiya sa ating mga kalalawigan.


Quezon PIO

Parade pagdiriwang ng Men’s Day Celebration kaakibat ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) and Their ChildrenParade | November 28, 2024

Parade pagdiriwang ng Men’s Day Celebration kaakibat ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) and Their ChildrenParade | November 28, 2024

Narito ang isinagawang parada sa hanay ng mga kalalakihan na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Quezon bilang pagdiriwang ng Men’s Day Celebration kaakibat ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) and Their Children ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 28.

Tinayang nasa 2,382 ang nakiisa sa naturang parada mula Pacific Mall Parking Ground hanggang sa Quezon Convention Center, Lucena City.


Quezon PIO

CONGRATULATIONS, QUEZON TANGERINES!

CONGRATULATIONS, QUEZON TANGERINES!

Naiuwe ng Quezon Tangerines ang kampeonato sa kauna-unahang Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) Tournament.

Naisara ng Tangerines ang serye matapos manalo sa Game 2 kontra Biñan Tatak Gel.


Quezon PIO