Tax Compliance Training & Workshop | April 29, 2024
Dumalo si Governor Doktora Helen Tan sa Tax Compliance Training and Workshop ng mga Municipal at City Assessors sa 3rd Floor, Old Capitol Building, Lucena City kahapon, Abril 29.
Inorganisa ng Provincial Assessor’s Office sa pamumuno ni Atty. Melojean M. Puache ang Training and Workshop para sa mga Municipal at City Assessors upang magbahagi ng kaalaman patungkol sa proseso ng tax compliance base sa Real Property Tax Payment.
Isa itong paraan upang siguraduhin na sumusunod o nagbabayad ng tama ang mga may Real Property sa buong lalawigan na isa din sa pinagkukunan ng pondo para sa mga iba’t ibang proyekto gaya ng School building sa pamamagitan ng Special Education Fund.
Sa huli, nag-iwan ng mensahe ang ina ng lalawigan na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang maging compliant sa mga patakaran.
Source: Quezon PIO