Animal Stranding Operation and Necropsy | April 29, 2024
Animal Stranding Operation & Necropsy
Sitio Dulong Buhangin, Brgy. Dalahican, Lucena City
April 29, 2024
Alas kwatro ng hapon sa baybaying dagat ng Sitio Dulong Buhangin, Brgy. Dalahican, Lucena City ng matagpuan ang isang buntis na Pantropical Spotted Dolphin na wala ng buhay. Mabilis itong nirespondehan ng City Agriculture Office ng Lucena City at agad namang ipinagbigay alam sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Provincial Fisheries Office (BFAR 4A-PFO-Quezon).
Matapos nilang masuri ang kalagayan ng stranded animal ay nakipag-ugnayan naman ang naturang ahensya, sa pangunguna ni Mr. Allan Castillo, Chief Fishing Regulations Officer ng BFAR-4A-PFO-Quezon, sa Office of the Provincial Veterinarian.
Agaran namang nagtungo si Dr. Camille C. Calaycay, Veterinarian II, ng tanggapan upang makita at masuri ang naturang hayop. Kasama ni Dr. Calaycay sina Dr. Michelle Anne Javier, Dr. Melanie Hernadez at iba pang mga technical personnel ng City Veterinary Office ng Lucena City upang magsagawa ng necropsy. Ang mga organ samples at specimen na nakolekta ay ipapadala pa sa isang laboratoryo sa Quezon City upang sumailalim sa masusing pagsusuri at upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng naturang hayop.
Source: Quezon ProVet