Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | May 11, 2024
Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong Mayo 11 ang handog na libreng serbisyong medikal ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan umabot sa 4,616 residente ang naging benepisyaryo.
Kasama ang mga doktor, espesyalista mula sa mga kilalang ospital sa bansa, gayundin ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ay matagumpay na naihatid sa nasabing bayan ang dental, surgical, at iba’t-ibang medical services.
Samantala, malugod na ibinalita ni Governor Doktora Helen Tan na pinagplaplanuhan na ang pagtatayo ng Infirmary at Ambulatory Service Hospital sa bayan ng Mulanay upang mas maging abot-kamay ng mga mamamayan ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan.
Kasama namang naghatid ng serbisyo ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) na nagsilbing daan upang maibigay ang financial/medical assistance para sa mga pasyente na hindi available ang niresetang gamot ng doktor.
Gayundin ay kasabay na nagsagawa ng Veterinary Medical Mission ang Office of the Provincial Veterinarian para naman sa mga may alagang hayop.
Nakiisa sa ginanap na programa sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Mayor Aris Aguirre, Vice Mayor Jay Castilleja, at ang lokal na pamahalaan.
Source: Quezon PIO