NEWS AND UPDATE

Ilang Kaganapan sa Medical Mission sa Bayan ng Burdeos | March 17, 2025

Ilang Kaganapan sa Medical Mission sa Bayan ng Burdeos | March 17, 2025

TINGNAN: Gaano man kainit, hindi ito naging hadlang upang maihatid ng Medical Team sa mga mamamayan ng islang bayan ng Burdeos ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal ngayong araw ng Linggo, Marso 16.
Narito ang ilang kaganapan sa nasabing Medical Mission sa pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan.

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Burdeos Quezon | March 16, 2025

Taos-pusong Pasasalamat ng mga residente ng Burdeos Quezon | March 16, 2025

Sa isang linggong isinasagawang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Polillo Group of Island (POGI), sunod na dinala ang mga libreng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng islang bayan ng Burdeos.
Ibinahagi naman ng mga residente sa nasabing bayan ang kahalagahan na mailapit ng libre ang ganitong mga programang nakatutok sa kanilang kalusugan, kung kaya’t lubos ang kanilang naging pasasalamat.

Panoorin rito: https://www.facebook.com/share/r/1EngN69inX/

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Gov. Doktora Helen Tan Visits Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Polillo Medicare | March 16, 2025

Gov. Doktora Helen Tan Visits Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Polillo Medicare | March 16, 2025

Maagap na bumisita si Governor Doktora Helen Tan sa Quezon Provincial Hospital Network (QPHN) – Polillo Medicare ngayong araw ng Linggo, Marso 16.
Kaniyang personal na kinumusta ang kalagayan ng nasabing ospital, gayundin ay nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga kawani nito upang masiguro na maayos na naibibigay ang nararapat na serbisyong kalusugan para sa bawat residente ng Polillo gayundin sa mga kalapit na islang bayan nito.
Patuloy namang pagsusumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan na magtugon ang mga suliraning kinahaharap ng ospital upang mas maitaas ang kalidad ng serbisyo nakukuha sa mga nangangailang Quezonian.


Quezon PIO

Launching ng MAGANDA ang POGI Tourism Circuit na ginanap sa Sitio Bigyan, Barangay Sibulan Polillo, Quezon | March 16, 2025

Launching ng MAGANDA ang POGI Tourism Circuit na ginanap sa Sitio Bigyan, Barangay Sibulan Polillo, Quezon | March 16, 2025

MAGANDA ang POGI!
Matagumpay na sinimulan nitong araw ng Sabado, Marso 15 ang Launching ng MAGANDA ang POGI Tourism Circuit na ginanap sa Sitio Bigyan, Barangay Sibulan Polillo, Quezon.
Ang nasabing programa na pinangunahan ng Provincial Tourism Office sa pamumuno ni PTO Nesler Louies Almagro ay layuning maipamalas ang tunay na kagandahan ng Polillo Group of Islands (POGI) at maging atraksyong panturista na nakaangkala sa bisyon ni Governor Doktora Helen Tan na maging nangunganang pang-agri turismo ang Lalawigan ng Quezon sa taong 2030.
Idadaos ang Tourism Circuit sa lood ng anim (6) na araw mula March 15-20 upang maipakita ang ganda ng mala-asul na dagat, puting buhangin, nagsasarapang mga pagkain, at natatanging mga tanawin sa POGI.
Samantala, dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan, kasama sina Regional Director Marites Castro, at Board Member John Joseph Aquivido.
Asahan naman ang tuloy-tuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang maparami at mapalawig pa ang tourist attraction sa Lalawigan ng Quezon.

#MagandaangPOGI
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Polillo ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 16, 2025

Matagumpay na naihatid sa islang bayan ng Polillo ang “Kalinga Sa Mamamayan, Libreng Gamutan” | March 16, 2025

Ang layunin na parating inihahayag ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan ay ang mailapit ang serbisyo ng kapitolyo lalo na ang mga pangkalusugan na programa.
Kung kaya’t nitong araw ng Marso 15, naihatid ng buong Medical Team sa islang bayan ng POLILLO ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal kung saan 3,705 na residente ang nabigyang pagkakataon upang maipatingin ang kalagayan ng kanilang kalusugan.
Ilan sa bitbit na serbisyo ang medical check-up para sa bata at matanda, bunit ng ngipin, tuli, minor surgery sa may maliit na bukol, cervical cancer screening para sa mga kababaihan, libreng gamot, check-up sa mata at libreng pasalamin. Mayroon ding laboratory examinations gaya ng ECG, X-RAY, Ultrasound, CBC, FBS/RBS, Urinalysis, Uric Acid, at Cholesterol.
Pinapaabot ang lubos na pasasalamat sa East Avenue Medical Center, Batangas Medical Center, RAKKK Prophet Medical Center Inc., Rizal Medical Center, Southern Luzon Command (SOLCOM), QPHN-Quezon Medical Center, Provincial Health Office, Philippine Navy, Private Doctors at Dentists na naging katuwang upang maisakatuparan ang ginanap na Medical Mission.
Para sa mas siksik na serbisyo sa nasabing bayan, kasamang naghatid ng libreng serbisyo ang Office of the Veterinarian kung saan 138 na may alagang hayop ang nakapagpakonsulta at 53 alagang hayop ang naturukan ng anti-rabies vaccine.
Sa tulong naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang 385 na pasyenteng hindi available ang iniresetang gamot at inirekomendang laboratoryo ng doktor ay nabigyan ng medical assistance.

#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon

Blessing Ceremony of 2 Classroom School Building | March 16, 202

Blessing Ceremony of 2 Classroom School Building | March 16, 202

Sa pagtungo ni Governor Doktora Helen Tan sa islang bayan ng Polillo, masayang ginanap ang seremonya para sa pormal na pagbabasbas ng bagong school building sa Kalubakis Elementary School ngayong araw ng Sabado, Marso 15.
Ang nasabing gusali ay may dalawang silild-aralan na malaking karagdagang espasyo para sa mas komportablemg pag-aaral ng bawat estudyante ng paaralan.
Asahan na patuloy din ang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan at matutukan ang mga pang-edukasyon na mga programa at proyekto para sa mga pampublikong paaralan.


Quezon PIO