Ribbon Cutting of School Buildings | May 17, 2024
Dekalidad na Edukasyon para sa Lahat ng Kabataang Quezonian!
Sa pamumuno ng Gobernadora ng Lalawigan, Doktora Helen Tan, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, ika-17 ng Mayo ang Ribbon Cutting para sa bagong Typhoon Resilient School Buildings para sa Pamatdan Elementary School at Languyin Elementary School na parehong matatagpuan sa bayan ng Polillo, Quezon.
Ang bagong school building ng Pamatdan Elementary School ay may kabuuang pondong mahigit 6.2 milyong piso, samantalang ang Languyin Elementary School ay nagkakahalaga ng 8 milyong piso.
Samantala, naipagkaloob din ang kaparehong proyekto sa bayan ng Burdeos na kung saan ay nakapagtayo ng 2 buildings – 5 classroms sa Calutcot Integrated School na nagkakahalaga ng mahigit 15.3 milyong piso at 2 buildings – 7 Classroom naman para sa Carlagan Integrated School na nagkakahalaga ng mahigit 21.7 milyong piso.
Pinapatakbo naman ng 12 panels na Solar Power at mayroon ding Water Collector ang nabanggit na mga bagong gusali.
Source: Quezon PIO