NEWS AND UPDATE

Personal na bumisita si Project Engr. Roland John Bongat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-A CALABARZON | February 3, 2025

Personal na bumisita si Project Engr. Roland John Bongat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-A CALABARZON | February 3, 2025

Para sa mas mabilis na pagsasaayos ng mga kalsada sa lalawigan ng Quezon, personal na bumisita si Project Engr. Roland John Bongat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-A CALABARZON, kasama ang contractor na si Engr. Aris Ricardo, sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong Lunes, Pebrero 3.

Sa nasabing pagbisita, natalakay ang mga isinasagawang proyekto ng DPWH para sa pagsasaayos ng kalsada mula Malicboy Pagbilao hanggang Calauag. Gayundin, natukoy ang mga kasalukuyang may pondo at ang mga hindi pa napopondohang proyekto. Ayon kay Engr. Bongat, sinimulan na ang road reblocking sa ilang sirang kalsada, habang nagsasagawa naman ng temporary asphalt patching sa mga kalsadang may matinding sira, tulad ng sa Malicboy, upang pansamantalang madaanan ng mga sasakyan.

Nilinaw rin ni Engr. Bongat na ang mga proyekto ay intermittent o hindi sabay-sabay, dahil may mga kalsadang hindi pa nabibigyan ng pondo ngunit sa kabila nito ay sisikapin naman na mabigyan na ng agarang aksyon ang naturang suliranin.

Sa huli, hinimok ni Governor Doktora Helen Tan na sana sa lalong madaling panahon ay masulosyonan na ang problema sa sira-sirang kalsada sapagkat ito ay lubos nang nakakabahala lalo’t higit sa kaligtasan ng mga byaherong dumaraan.


Quezon PIO

ONE POOR FAMILY, ONE COLLEGE GRADUATE FULL SCHOLARSHIP PROGRAM | February 3, 2025

ONE POOR FAMILY, ONE COLLEGE GRADUATE FULL SCHOLARSHIP PROGRAM | February 3, 2025

BASAHIN!

ONE POOR FAMILY, ONE COLLEGE GRADUATE FULL SCHOLARSHIP PROGRAM

Matapos isakatuparan ang nasabing scholarship noong taong 2023, bukas na muli ang aplikasyon para sa 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Pangunahing layunin nito ay mabigyan ng libreng pag-papaaral ang mga kabataang mula sa pinakamahihirap na pamilyang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Para sa mga nais maging iskolar, narito ang mga kinakailangang:

● Isang Pilipino

● Mamamayan ng Lalawigan ng Quezon

● Nagmula sa mahirap na pamilya (Indigent)

● Nakapagtapos ng Sekondarya/Senior High School (Maaari ng magpasa ng aplikasyon ang mga magtatapos ngayong Abril 2025)

● Wala pa ni isa sa kanyang pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo

Sa mga kwalipikadong mag-aaral, ipasa ang mga sumusunod:

● Letter of Intent

● APPLICATION FORM:

https://bit.ly/2025_Quezons_PF1CG_FullScholarship_Application_Form

● Alin man sa sumusunod:

– PSA Birth Certificate;

– Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang inyong ID sa registration)

● Certified Photocopy ng DepEd School Form 9 o Learner’s Progress Report Card (Signed and Sealed by School Principal)

● Sagutan din ang ASSESSMENT LINK:

https://forms.gle/5EnA6RoKWXPKYFTa8

Mangyaring isulit ang mga naturang dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong bayan o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa 2nd Floor PGO Annex Bldg., Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:

(042) 785-0281 o 0998-548-6607

#FullScholarshipProgram


Quezon PIO

PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS | February 3, 2025

PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS | February 3, 2025

BASAHIN!

PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS

Bukas na muli ang aplikasyon para sa Priority Courses Scholarship and Return Service Program for Deserving Students ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kung saan ang pangunahing layunin ay mabigyan ng scholarship ang mga mag-aaral na papasok ng Unang Taon ng Kolehiyo sa panuruang taon 2025-2026.

Para sa mga nais maging iskolar, narito ang mga kinakailangan:

● Isang Pilipino

● Mamamayan ng Lalawigan ng Quezon

● Nakapagtapos ng Sekondarya na may markang 85% PATAAS o anumang katumbas nito o nabibilang sa 20% NA MAY PINAKAMATAAS NA MARKA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS sa kanilang paaralan

● Nakapasa sa Entrance Exam at nakasunod sa mga Admission Requirements ng Paaralang kaniyang papasukan at kursong aaralin

Bukas naman ito para sa mga mag-aaral na mga kukuha ng alinman sa mga sumusunod na kurso:

● Doctor of Medicine

● Doctor of Veterinary Medicine

● BS Medical Technology / Medical Laboratory Science

● BS Midwifery

● BS Nursing

● BS Nutrition Dietetics

● BS Occupational Therapy

● BS Pharmacy

● BS Physical Therapy

● BS Radiologic Technology

● BS Respiratory Therapy

● BS Speech and Language Pathology

● BS Social Work

● Teacher Education: Special Needs Education

● BS Chemistry

● BS Geology

● BS Meteorology

● BS Biomedical Engineering

● BS Agricultural and Biosystems Engineering

● BS Food Technology

Narito naman ang mga kinakailangang dokumento na dapat isulit:

● Letter of Intent

● APPLICATION FORM:

UNDERGRADUATE PROGRAM:

https://bit.ly/PriorityCourses_ReturnofService_ApplicationForm

DOCTOR OF MEDICINE PROGRAM:

https://bit.ly/PriorityCourses_ReturnofService_ApplicationForm_Medicine

● Confirmation Email sa Pagsasagot ng Scholar’s Assessment Tool

– DOCTOR OF MEDICINE PROGRAM ASSESSMENT LINK: https://forms.gle/UcJ9o59wCsAGxh5g8

– UNDERGRADUATE PROGRAM ASSESSMENT LINK: https://forms.gle/5fR6GmnWfjmzgCDC9

● Alinman sa sumusunod:

– Certified Copy of Birth Certificate mula sa Civil Registrar o PSA

– Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang orihinal na ID sa registration)

● Certified Copy ng DepEd School Form 9 o Learner’s Progress Report Card ng Grade 11 at Grade 12

Mangyaring isulit ang mga naturang dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong bayan o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa 2nd Floor PGO Annex Bldg., Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:

(042) 785-0281 o 0998-548-6607

#FullScholarshipProgram


Quezon PIO

Kasalukuyang lagay ng itinatayong ALABAT WIND POWER PROJECT na naisakatuparan sa pangunguna ng Alternergy Holdings Corporation | February 3, 2025

Kasalukuyang lagay ng itinatayong ALABAT WIND POWER PROJECT na naisakatuparan sa pangunguna ng Alternergy Holdings Corporation | February 3, 2025

PANOORIN: Kasalukuyang lagay ng itinatayong ALABAT WIND POWER PROJECT na naisakatuparan sa pangunguna ng Alternergy Holdings Corporation.

Link: https://www.facebook.com/share/v/1Wr8gjHjaH/

Matatandaang isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa nasabing proyekto noong Mayo 9, 2024 kung saan ay inaasahan na maging pinakamataas na tore ng hangin sa buong Pilipinas at kaunahang windmills na nakaharap sa dagat pasipiko.

Ito rin ay bahagi ng mga isinulong na proyekto ni Governor Doktora Helen Tan noong siya’y Congresswoman pa sa ika-apat na distrito ng Quezon na kanyang iniendorso sa Department of Energy (DOE) noong taong 2018.

Ang windmill ay isang magandang paraan upang makalikha ng enerhiya o ng kuryente mula lamang sa pwersa ng hangin at mas ligtas gamitin kung kaya’t napakahalaga ng proyektong ito.

#AlabatWindPowerProject


Quezon PIO

Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinatawan mula sa UNICEF Council for the Welfare of Children, at Social Watch Philippines | February 3, 2025

Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinatawan mula sa UNICEF Council for the Welfare of Children, at Social Watch Philippines | February 3, 2025

TINGNAN: Bumisita sa Pamahalaang Panlalawigan ang mga kinatawan mula sa UNICEF Council for the Welfare of Children, at Social Watch Philippines upang makipagpulong kay Governor Doktora Helen Tan ngayong Lunes, Pebrero 3.

Layunin ng pagpupulong na ipakilala sa lalawigan ng Quezon ang Enhanced Child Budget Tagging Tool (CBTT), na ayon sa UNICEF ay magagamit sa pagpapalakas ng public financial management for children at makatutulong sa monitoring at tamang alokasyon ng pondo at programa para sa kapakinabangan ng mga kabataan gaya ng programa sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, social welfare and protection, at child participation.

Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing pagbisita at tiniyak na natututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga proyekto na mapapakinabangan ng mga kabataan, tulad ng mga programa sa edukasyon at social assistance na kinakailangan ng bawat Quezonian. Dagdag pa rito, siniguro ng Gobernadora na bukas ang tanggapan sa kolaborasyon mula sa iba’t ibang organisasyon na nagnanais na makipagtulungan para sa kabutihan ng mga kabataan.

Samantala, dumalo rin sa pagpupulong sina DILG Provincial Director Abigail Andres, Provincial Administrator Manny Butardo, Executive Assistant John Francis Luzano, at ilan pang mga pinuno ng tanggapan mula sa pamahalaang panlalawigan.


Quezon PIO

Blessing of Sangguniang Panlalawigan Building | February 3, 2025

Blessing of Sangguniang Panlalawigan Building | February 3, 2025

TINGNAN: Pormal ng binasbasan ni Rev. Fr. Monmon Amado ang Newly Renovated Building ng Sangguniang Panlalawigan, ngayong araw ng Lunes, Pebrero 3 sa Governor’s Mansion Compound.

Matapos ang mahabang paghihintay, mapapakinabangan na ang bagong tanggapan ng mga Board Members sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala, para sa maayos na serbisyo para sa mga mamamayan.

Dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan, kasama ang mga Punong Tanggapan sa pangunguna ni Provincial Administrator Manny Butardo, at ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, taos-puso naman ang pasasalamat ni Governor Tan sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa walang sawang paglilingkod para sa mga Quezonian .


Quezon PIO

133rd Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 3, 2025

133rd Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 3, 2025

Para sa patuloy na pagsulong ng makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos at progresibong pamamahala sa mamayang Quezonian, pormal na ginanap ang ika-133 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Pebrero 3, sa Kalilayan Hall, Lucena City.

Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang resolusyon mula sa tanggapan ng Punong Lalawigan hinggil sa pagbibigay-awtoridad sa Gobernador na lumagda sa isang Kasunduan ng Donasyon sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon kasama ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya o Department of Trade and Industry (DTI) sa Rehiyon ng 4A para sa Shared Service Facilities (SSF) na makinarya, kagamitan, at kasangkapan gaya ng mga sumusunod:

-Isang yunit ng Dehydrator

-Isang unit ng Automatic Packaging Machine

-Isang unit ng Semi-automatic Liquid Filler

-Isang unit ng Band Sealer na may Nitrogen Flush

-Isang unit ng Industrial Cocoa Hydraulic Press Extractor

-Isang unit ng Cacao Tempering Machine

-Isang unit ng Electric Table Top Ultra Fine Powder Pulverizing Machine.

Ang mga ito ay maaaring gamitin ng mga may maliit na negosyo, kooperatiba, at iba pang organisasyon upang mas mapalago ang kanilang hanap buhay, mapabuti ang mga produksyon at kalidad ng mga produkto sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Flag raising ceremony hosted by the Provincial Tourism Office | February 3, 2025

Flag raising ceremony hosted by the Provincial Tourism Office | February 3, 2025

Sa pagsisimula ng panibagong linggo ng pagmamalasakit at pagseserbisyo para sa mamamayang Quezonian, pinangunahan ng Quezon Provincial Tourism Office sa pamumuno ni Tourism Officer Nesler Louies Almagro ang regular na pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong araw ng Lunes, Pebrero 3 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Dinaluhan ito ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang mga Punong tanggapan at mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kaalinsabay ng naturang seremonya, ibinahagi ng nasabing tanggapan ang kanilang Accomplishment Reports bilang bahagi ng layuning manguna sa destinasyong pang-agri-turismo ang lalawigan ng Quezon.

Samantala, Ang Civil Service Commission (CSC) bilang pangunahing ahensyang nangangasiwa sa government workforce, ay nagbigay ng mandato na magsuot ng ASEAN-inspired uniforms ang mga government employees o kawani ng pamahalaan tuwing unang lunes ng buwan at Filipiñana naman tuwing ikalawa hanggang ika-apat na lunes ng buwan bilang bahagi ng pagpapalakas ng pambansang identidad at rehiyonal na pagkakaisa sa loob ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations).

Sa pagtatapos, nagbigay ng anunsyo at mensahe si Governor Tan gayondin ng mahalagang paalala patungkol sa pag-aalaga sa sarili at kalusugan.


Quezon PIO

Market Price Monitoring – Livestock and Poultry  products | February 3, 2025

Market Price Monitoring – Livestock and Poultry products | February 3, 2025

Updated Livestock & Poultry Products Market Price Monitoring as of January 30, 2025
Facebook Post Link: https://www.facebook.com/share/p/17K4t6EQt1/


Office of the Provincial Veterinarian – Quezon