Distribution of Educational Assistance | May 23, 2024
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa Nasyunal na Pamahalaan, ngayong araw ng Huwebes, Mayo 23 ay natanggap ng 750 mag-aaral ang Educational Assistance mula sa tanggapan ni Senator Mary Grace Natividad Sonora Poe-Llamanzares.
Ang nasabing tulong pinansyal ay napakinabang ng mga estudyanteng mula sa Lucena City, at naipamahagi sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).
Bilang kinatawan naman ni Governor Doktora Helen Tan, nagpaabot ng mensahe at pasasalamat si Executive Assistant II Atty. Kim Kenneth Pascua kay Senator Grace Poe dahil malaking bagay na nabibigyan din ng tugon ang mga kinakailangan ng mga mag-aaral ng lalawigan.
Source: Quezon PIO