Pagbisita ng ACEN (Giga Ace 6) sa Pamahalaang Panlalawigan | May 22, 2024
TINGNAN: Pinaunlakan ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbisita ngayong araw, Mayo 22 ng ACEN (Giga Ace 6) sa Pamahalaang Panlalawigan upang makipagtalakayan patungkol sa wind power project na nais maisakatupran sa lalawigan ng Quezon.
Ang ACEN ay isa sa mga energy platform ng Ayala Group na may humigit-kumulang na 4,800 megawatts capacity ng renewable energy, kung saan naman ang Giga Ace 6 ay subsidiary ng nasabing kompanya.
Naglalayon itong maghatid ng sustenable, malinis, at abot-kayang supply ng kuryente para sa mga mamamayan ng Pilipinas. Target naman na maitayo ang isinusulong na proyekto sa bayan ng Real, Quezon.
Source: Quezon PIO