
Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – Sariaya | March 5, 2025
Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan, tagumpay na ginanap ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Sampaloc Sto. Cristo Covered Court, Sariaya Quezon nitong araw ng Martes, Marso 4.
Ang naturang programa ay may layuning makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayang Quezonian. Sa pagsasakaturapan ng serbisyong ito, naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sina Vice Governor Third Alcala, Board Member Vinnette Alcala, Doc Kim Tan, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
May kabuuang bilang na 3,593 ang benepisyaryong nabigyan ng libreng gamot at nahatiran ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan gaya ng Medical Consultation, Dental Extraction, Minor Surgery, FBS, Laboratory, Ultrasound, at ECG. Handog din ang bagong idinagdag na optical service kung saan libreng nakapagpakonsulta at nabigyan ng salamin ang mga indibidwal na may problema sa paningin.
Samantala, asahang patuloy na lilibot ang medical team sa bawat sulok ng lalawigan upang masiguro na lahat ng Quezonian ay mahahatiran ng libreng serbisyong pangkalusugan.
#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025
Quezon PIO