Paglulunsad ng Proyektong Inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development | December 02, 2024
Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson ang ginanap na paglulunsad ng proyektong inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Disyembre 2 sa SMX Convention Center, Pasay City.
Ang inilunsad na proyekto ng DSWD ay naglalayong palakasin ang food security sa panahon ng kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng Ready-To-Eat Food (RTEF) packs na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng delata, rice porridge, at protein bar.
Bukod sa nasabing paglulunsad ay isinagawa rin ang National Convention para sa Project LAWA (Local Adaption to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Improverished), isang cash-for-training and work program na layong makatulong at mapalakas ang kakayahan ng mga Pilipino na muling makabangon laban sa sakuna gaya ng El Niño at climate change.
Samantala, kabilang naman sa mga benepisyaryo ng naturang mga proyekto ang lalawigan ng Quezon kung kaya’t aktibong nakiisa ang Gobernadora para sa mas progresibong pamumuhay ng bawat mamamayan sa lalawigan.
Quezon PIO