Paglilibot ni Governor Doktora Helen Tan sa Buong Lalawigan at Pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) Program | May 29, 2024
Sa patuloy na paglilibot ni Governor Doktora Helen Tan sa buong lalawigan, ginanap rin ang pamamahagi ng Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) program sa ika-apat na distrito ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 29 sa Brgy. Camohaguin, Gumaca Quezon.
Katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office ( PTO), pinangunahan ng gobernadora ang pagbibigay ng lingap para sa 1,628 benepisyaro mula sa mga bayan ng Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Plaridel at Tagkawayan kung saan 833 ang nakatanggap ng educational assistance at 795 naman ang nabigyan ng tulong pinansyal para sa medikal, burial at iba pang pangangailangan.
Sa hangaring mailapit ang serbisyong nararapat para sa bawat Quezonian, asahan pa ang tuloy tuloy na paglilingkod ng Pamahalaang Panlalawigan sa apat na distrito ng Quezon.
Source: Quezon PIO