NEWS AND UPDATE

Nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ng Veterinary Medical Mission sa pag diriwang ng Unisan Day at Cocolilay Festival 2025 | February 13, 2025

Nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ng Veterinary Medical Mission sa pag diriwang ng Unisan Day at Cocolilay Festival 2025 | February 13, 2025

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Unisan Day at Cocolilay Festival 2025, ay nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ng Veterinary Medical Mission ngayong February 12, 2025, sa pamamagitan ni Dr. Camille Calaycay at mga technical personnel ng Animal Health and Welfare Division.

Katuwang sa aktibidad na ito ang Office of the Municipal Agriculturist (OMA) ng Unisan sa pangunguna ni MA Perciveranda Galang. Nakiisa rin si Dr. Calaycay sa ribbon cutting ng mga Agri-booths bilang pormal na pagbubukas ng mga ito.

Ang mga libreng serbisyong naipagkaloob ng OPV ay pagbabakuna laban sa rabies, pagpupurga, konsultasyon at pagbibigay ng bitamina para sa mga aso at pusa.

Ang aktibidad na ito ay naglalayon na bigyang kamalayan ang komunidad at palakasin ang pagpapatupad ng programa na sugpuin ang sakit na rabies sa ating bansa.

Ang Kabuuang bilang ng hayop na nabakunahan ay 205, ang nabigyan ng libreng konsultasyon, bitamina, purga, at iba pa ay 343, na pagmamay-ari ng 294 na mga kalalawigan natin mula sa Unisan


Quezon PIO / ProVET

2024 Regional Year-End Performance and Planning Exercises of DOLE and PESO | February 13, 2025

2024 Regional Year-End Performance and Planning Exercises of DOLE and PESO | February 13, 2025

Nagtipon-tipon ang mga opisyales at kinatawan ng DOLE at PESO sa isinagawang 2024 Regional Year-End Performance and Planning Exercises na idinaos sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City. Ang nabanggit na programa ay naisakatuparan noong ika-29 hanggang ika-31 ng Enero, taong kasaluyan na dinaluhan ng higit dalawang daan na mga opisyales at kinatawan ng mga tanggapan ng PESO at DOLE sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Kabilang sa mga itinampok sa pagtitipon ay ang pagpapakilala sa bagong Regional Director ng DOLE RO 4A na si Atty. Erwin N. Aquino. Nagkaroon din ng seremonya ng pagpaparangal kung saan binigyang pagkilala ang mga mahuhusay na PESO at JPO pati na rin ang mga natatanging programa ng PESO at mga JPO sa rehiyon. Bilang pagsuporta sa isinagawang pagtitipon ay nagpaabot ng mensahe si Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Deputy Chief of Staff at PGDH-ENRO John Francis Luzano. Binigyang importanysa sa mensahe ng Ina ng Lalawigan ang makabuluhang papel ng PESO sa pagbalangkas at pagpapaunlad sa larangan ng trabaho at serbisyo.

Nagkaroon din ng Governor’s Night at sa bahaging iyon ay ipinamalas ng lalawigan ang malugod na pagtanggap sa mga naging delegado sa nasabing programa. Sa aktibidad na iyon ay nagkaroon ng mga pagtatanghal at Tagayan Ritual na naging simbolismo upang maipakilala ang makulay na tradisyon, kultura at ang mga produkto sa lalawigan. Isinagawa din ang paglulunsad ng bagong PESO Reportorial System ng DOLE, sa inisyatibo ni LEO III ng DOLE 4A TSSD-EPWW Marie Iris Prieto-Perez at nagkaroon din ng pagtalakay sa gagawing preparasyon sa nalalapit na 25th National PESO Congress na kung saan ay ang rehiyon ng CALABARZON ang magsisilbing host.

Nakiisa rin sa pagtitipon ang Ama ng Sangguniang Panlalawigan na si Vice Governor Anacleto “Third” Alcala na nagpaabot ng pagsuporta sa mga adbokasiya ng PESO. Dumalo rin sa kauna-unahang pagkakataon ang mga opisyales ng PESO Managers Association of the Philippines (PESOMAP) na nanguna sa pagbalangkas sa PESO Institutionalization Advocacy sa pangunguna ni President Luningning Vergara (Provincial PESO of Pampanga).

Samakatuwid ay naging matagumpay ang kabuuan ang programa dahil sa mga makabuluhang aktibidad na itinampok sa tatlong araw na pagtitipon. Buhat sa mga aktibidad na isinagawa ay nagkaroon ng oportunidad ang bawat kabahagi na mabatid ang mga magagandang adhikain ng DOLE at PESO para sa kaunlaran ng sektor ng trabaho sa rehiyon.


Quezon PIO / PESO

Orange Tourism Festival 2025 – PAINTING at ARCHITECTURE WORKSHOP (2nd Day) | February 13, 2025

Orange Tourism Festival 2025 – PAINTING at ARCHITECTURE WORKSHOP (2nd Day) | February 13, 2025

TINGNAN: Bilang bahagi ng Orange Tourism Festival 2025, bidang-bida ang malikhaing talento ng mga Quezonian artist sa ikalawang araw ng PAINTING at ARCHITECTURE WORKSHOP na ginanap sa Bukid Amara, Lucban at Oyayi Farm & Resort, Sariaya nitong araw ng Pebrero 13.

Makulay na nilahukan ng 18 Quezonian mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ang Painting Workshop, habang 19 naman ang naging bahagi ng Architecture Workshop.

Kaalinsabay nito’y nagsimula na rin ang unang araw ng FILM WORKSHOP sa Yumi’s Farm, Tayabas City kung saan 19 ang naging kalahok, habang ginanap naman sa Ouan’s the Farm Resort, Lucena City ang THEATRE at COCOLINARY WORKSHOP na parehong may 20 Quezonian artist na lumahok.

Sa darating na Pebrero 19-20 sa Quezon Convention, Center Lucena City ay tunghayan ang pagtatanghal at pagbabahagi ng kahusayan sa iba’t ibang larangan ng sining ng mga kalahok na Quezonian artist.

#OrangeTourismFestival2025 #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO

“Kabataang Quezonian tungo sa Isang Direksyon, pagBasa at pagbilang ay Isusulong, sa Bawat Oportunidad.”- Project KID BIBO | February 12, 2025

“Kabataang Quezonian tungo sa Isang Direksyon, pagBasa at pagbilang ay Isusulong, sa Bawat Oportunidad.”- Project KID BIBO | February 12, 2025

“Kabataang Quezonian tungo sa Isang Direksyon, pagBasa at pagbilang ay Isusulong, sa Bawat Oportunidad.”- Project KID BIBO

Batay sa datos na inilahad ng Department of Education (DepEd) Division of Quezon patungkol sa Comparative Reading Data ng SY 2022-2023 at SY 2023-2024. Ang SY 2022-2023 ay may pinakamataas na bilang ng mag-aaral na Non-Readers o Hindi nakakabasa na umabot sa 27,388 sa Filipino at 21162 sa Ingles .

Ito ang siyang dahilan ng paglunsad ng Project KID BIBO ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang DepEd Quezon. Layunin ng proyektong ito na mapabuti, matugunan, at matutukan ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa ng Ingles at Filipino, pati na rin sa Matematika.

Simula ng mailunsad ito noong July 27,2023 makikita ang mabilis na pagbaba sa bilang ng mga hindi marunong magbasa sa elementarya mula Grade 1-3 sa buong lalawigan ng Quezon. Para mapagtagumpayan ang proyekto, naging kaagapay natin ang mga magulang, mga mag-aaral sa kolehiyo na may kursong Edukasyon, kaguruan, paaralan at mga lokal na pamahalaan sa paglinang ng kaisipan ng mga bata. Bunga sa nasabing proyekto, ayon sa DepEd Division of Quezon SY 2023-2024 na datos ay bumaba na sa bilang na 20812 sa Filipino at 13,887 sa Ingles ang mga batang hindi marunong magbasa.

Ang proyektong KID BIBO ay isang patunay na naging epektibo ang hangarin ng Gobernadora na walang maiiwan at sama samang uunlad ang mga kabataan lalo’t higit sa antas ng edukasyon.

#KIDBIBO #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO

Orange Tourism Festival – Architecture and Painting Workshop | February 11, 2025

Orange Tourism Festival – Architecture and Painting Workshop | February 11, 2025

TINGNAN: Binigyang buhay ng mga Quezonian artist ang kanilang malikhaing kaisipan sa unang araw ng ARCHITECTURE at PAINTING WORKSHOP na ginanap sa Oyayi Farm & Resort, Sariaya at sa Bukid Amara, Lucban.

Sa pangunguna ng Provincial Tourism Office, ang nasabing workshop ay bahagi ng Orange Tourism Festival 2025 kung saan pinagdiriwang ang kuhusayan at talento ng mga Quezonian sa iba’t ibang sining. Gayundin ay upang makiisa sa National Arts Month ngayong taon.

Abangan at tunghayan naman sa darating na Pebrero 19-20 sa Quezon Convention Center, Lucena City ang pagtatanghal at pagbabahagi ng mga kalahok ng kanilang nabuong output mula sa isinagawang mga workshop.

#OrangeTourismFestival2025 #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO / Toursim

Job Openings | February 11, 2025

Job Openings | February 11, 2025

Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Huwag kalimutang magdala ng RESUME, ID at ballpen.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe sa facebook page Quezon Provincial PESO


Quezon PIO / PESO

Job Opening – Sales Clerk | February 11, 2025

Job Opening – Sales Clerk | February 11, 2025

Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Huwag kalimutang magdala ng RESUME, ID at ballpen.

Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe sa facebook page Quezon Provincial PESO.


Quezon PIO / PESO

Quezon Weather Forecast | February 11, 2025

Quezon Weather Forecast | February 11, 2025

𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌, 𝟏𝟏 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓

𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝 𝐁𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠: 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐭𝐨𝐝𝐚𝐲 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐀𝐌 𝐭𝐨𝐦𝐨𝐫𝐫𝐨𝐰

𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑: Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkulog at pagkidlat.

𝐖𝐈𝐍𝐃:Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-Silangan hanggang silangan.

𝐂𝐎𝐒𝐓𝐀𝐋: Maalon na kondisyon ng karagatan

𝐓𝐄𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄: 22 -28°C

𝐖𝐄𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑: Kadalasan na maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at pulu-pulong pagkulog at pagkidlat.

𝐖𝐈𝐍𝐃: Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-Silangan hanggang silangan.

𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓𝐀𝐋: Katamtatamn hanggang sa maalon na karagatan

𝐓𝐄𝐌𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄: 22-26°C


DOST-PAGASA

OVP Upcoming Activities | February 10, 2025

OVP Upcoming Activities | February 10, 2025

𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧: 𝗢𝗣𝗩 𝗨𝗣𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗘𝗦

Para sa ibang detalye makipag-ugnayan sa inyong Municipal Agriculture Office.


Quezon PIO / ProVet

134th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 10, 2025

134th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 10, 2025

Para sa patuloy na pagsulong ng makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos at progresibong pamamahala sa mamayang Quezonian, pormal na ginanap ang ika-134 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Pebrero 10, sa Governor’s Mansion Compound, Lucena City.

Sa pangunguna ni Acting Vice Governor at Presiding Officer Vinnette Alcala-Naca kasama ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

Samantala, inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang liham mula sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan patungkol sa Supplemental Annual Investment Plan (AIP) na mapupunta sa iba’t ibang subsidiya sa ilalim ng mga serbisyong inihahatid at ipinagkakaloob ng Pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa mga mamamayang Quezonian.

Kaugnay dito, ang probisyon patungkol sa mga Health Services na magkaroon ng karagdagang paglalaan ng pondo sa gamot, medical, dental & optical supplies sa iba’t ibang ospital sa lalawigan ng Quezon, gayundin sa mga specific program/projects ng iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang panlalawigan ng Quezon.


Quezon PIO