Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | June 07, 2024
“Aalalayan kayo ng Pamahalaang Panlalawigan, walang papabayaan at maiiwan na mamamayan ng lalawigan”
Sa pagpapatuloy ng paghahatid ng libreng serbisyong gamutan na pinapangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, sunod na dinala ito sa bayan ng General Luna kahapon, Hunyo 7.
Bitbit pa rin ang iba’t-ibang serbisyong medikal ay libreng napakinabang ng 4,104 na mamamayan ng nasabing bayan ang medical check-up, bunot ng ngipin, minor surgery sa may maliit na bukol, tuli, cervical and breast screening, ENT, eye check-up, derma, PCV 23 Vaccination, at laboratory examinations gaya ng ECG, X-RAY, Ultrasound, CBC, at FBS/RBS.
Nakapagbigay naman ng medical assistance ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) para sa mga pasyenteng hindi available ang iniresetang gamot o palaboratoryo ng kanilang doktor.
Samantala, umabot naman sa 100 na may alagang hayop ang nakapagpakonsulta at nakapagpaturok ng anti-rabies sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian na kasamang naghatid ng libreng serbisyo.
Malugod namang pinasasalamatan ni Mayor Matt Florido ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon dahil naibaba ang ganitong klaseng programang para sa kanyang mga kababayan.
Source: Quezon PIO