Farmers and Fisherfolks Consultation & Turnover of Agricultural Inputs | June 09, 2024
Hindi sinayang ni Governor Doktora Helen Tan ang kanyang pagtungo sa bayan ng Atimonan kahapon, Hunyo 9 dahil minabuti niyang harapin din ang mga residenteng mangingisda at magsasaka upang personal na maipagkaloob ang iba’t-ibang kagamitan na makakatulong sa kanilang paghahanapbuhay.
Ang Agricultural Inputs na natanggap ng samahan ng mga mangingisda at magsasaka sa nasabing bayan ay PVC Hoses, Fertilizers, Knapsack Sprayers, Seedling Tray, Grasscutter, iba’t-ibang gulay, Hooks, at Bottom Set Gill Nets.
Samantala, nakiisa naman sa ginanap na maikling programa sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan, Board Member Sonny Ubana, Board Member Angelo Eduarte, Board Member Harold Butardo, Board Member Derick Magbuhos, at Mayor Rostiko Mendoza.
Source: Quezon PIO